ISA pang opisyal ng gobyerno ang sisibakin ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa kanyang talumpati sa inagurasyon ng Davao River Bridge sa Carlos P. Garcia Highway sa Davao City, sinabi niyang gagawin ang pagsibak pagbalik sa Malacañang sa susunod na linggo.
Hindi na tinukoy ng Pangulo kung sino ang opisyal na susunod na maaalis sa kanyang administrasyon.
Binanggit ng Pangulo, sinibak niya si Transportation assistant secretary Mark Tolentino dahil sa pakikipag-usap sa kanyang kapatid na babae.
Ayon sa Pangulo, walang First family na maituturing sa Filipinas at hindi raw uso ito sa kanyang administrasyon.
Malinaw aniya ang kanyang polisiya na hindi dapat kinakausap ang kanyang pamilya sa anomang proyekto.
(ROSE NOVENARIO)