Thursday , December 19 2024

Senate probe sa P647.11-M PCOO funds ‘ibuburo’ (Hanggang Hulyo)

BIGO si Senator Antonio “Sonny” Trillanes IV na maisalang agad sa imbestigasyon ang mga opisyal ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) kaugnay ng kuwestiyonableng P647.11 milyong gastos para sa information caravan ng ASEAN 2017 Committee on Media Affairs and Strategic Communications (CMASC).

READ: KAHIT NAGBITIW SI PUYAT, PROBE SA P647.11-M ‘GASTOS’ NG PCOO SA CMASC ASEAN 2017 TULOY — TRILLANES

Kahit naipasa na sa Senate Committee on Finance ang inihaing Senate Resolution 735 ni Trillanes nitong Miyer­ko­les, na humihiling sa Senado na magsagawa ng imbestigasyon “in aid of legislation” hinggil sa disbursement ng PCOO funds sa information caravan noong kasagsa­gan ng ASEAN noong 2017, hindi ito agad maiimbestigahan dahil hindi pa naitatakda ang pagdinig at aabutin ng session break.

Inamin ni Atty. Dan­na Mendiola, Committee Secretary, malamang na abutin na ng Hulyo bago pa maitakda ang pagdi­nig na hiniling ni Trillanes “in aid of legislation” hinggil sa disbursement ng PCOO funds sa information caravan noong kasagsagan ng ASEAN noong 2017

Ayon kay Mendiola, wala pa siyang nakuku­hang pormal na referral letter para sa naturang resolusyon.

Bukod dito, sinabi ni Mendiola, sa susunod na linggo ay session break na kung kaya’t malabo ng makapagtakda pa ng pagdinig ukol dito.

Aniya, pupulungin niya si Senadora Loren Legarda, pinuno ng komite ukol sa naturang resolusyon at iba pang resolusyong nakabinbin sa kanilang komite kung kailan itatakda ang mga pagdinig.

Hindi rin maitanggi ni Mendiola na mayroon na silang mga naunang is­kedyul ng pagdinig gaya ng tungkol sa sup­plem­ent­al budget para sa mga naapektohan ng dengvaxia.

Bukod kay Legarda ay kokonsultahin din ni Mendiola si Atty. Yolanda Doblan pinuno ng LBRMO para sa pagta­tak­da ng pagdinig.

Sa kasalukuyan ay na­sa ibang bansa si Trillanes na siyang nagha­in ng resolusyon, para dumalo sa isang opisyal na lakad.

Nitong nakaraang linggo isinulong Trillanes ang imbestigasyon sa ‘kuwestiyonableng’ P647.11 milyong ginastos ng tanggapan ng PCOO para sa information caravan noong ASEAN 2017.

Ayon kay Trillanes, tuloy ang imbestigasyon kahit nagbitiw sa kanyang tungkulin si PCOO Un­der­secretary Noel Puyat na nagsilbing chairman ng ASEAN 2017 CMASC na gumastos umano ng P647.11 milyon para sa information caravan.

Naghain si Trillanes nitong Martes ng kaga­yang resolusyon matapos mabasa sa pahayagang ito, Hataw D’yaryo ng Bayan ang isyu ng ‘nawa­walang’ P647.11 gastos, na magsagawa ng Senate probe sa information drive ng PCOO noong 2017 ASEAN Summit.

READ: USEC NG PCOO NAG-RESIGN (P647.11 MILYON HINAHANAP NG COA

Nitong nakaraang Biyernes, pormal na ini­hayag nina PCCO Secre­tary Martin Andanar at Puyat ang resignasyon ng huli.

Kinompirma ni Puyat na ang P1.4 bilyong alokasyon sa ASEAN CMASC ay labis nang 43 porsiyento.

Bahagi umano ang P647.11 milyon sa na­banggit na alokasyon.

Sinabi ni Puyat sa news reporters na ang PCOO ay nagsauli ng sobrang budget na P600 milyon sa Bureau of Treasury sa ‘staggered basis’ mula Enero hang­gang Disyembre 2017.

READ: E BAKIT NGA BA NAG-RESIGN SI PCOO EX-USEC NOEL PUYAT?

“I am just getting the final figures from all the chiefs of accounting of our PCOO and bureaus, but I’ve been informed that we’ve returned almost P600 million or a little over that pa raw,” pahayag ni Puyat.

Inamin ni Puyat, ang P800 milyon ay ginastos para sa International Media Center sa Conrad Hotel para sa 30th & 31st Asean summits.

“These also include all expenses of ASEAN related to PIA, PTV, Radyo Pilipinas, Bureau of Communication Servi­ces, and NIB. So this is not just spent by PCOO and our attached agencies,” dagdag ni Puyat.

Ibinunyag ito ni Puyat sa kanyang pagbi­bi­tiw sa kabila ng mga kuwestiyon sa nawa­walang P647.11-milyong budget na hinahanap ng Commission on Audit (COA).

Patuloy na itinatanggi ni Puyat na walang kinalaman ang isyu ng P647.11 milyon sa kan­yang pagbibitiw.

Gayonman, binigyang diin ni Trillanes, inihain niya sa Senado ang re­solusyon bilang urgent at upang malaman kung anong komite ang haha­wak sa imbesti­gasyon.

Paliwanag ni Trillanes, hindi siya titigil hanggang lumabas ang katotohanan sa likod ng ‘nawawalang’ P647.11 milyon.

Si Puyat ang ikala­wang opisyal ng PCOO na nagbitiw sa loob ng nakalipas na tatlong linggo, nauna si assistant secretary for adminis­tration si Kissinger Reyes.

Nauna rito, nagbanta si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte laban sa mga tiwaling opisyal na nakapasok sa kanyang administrasyon na magbitiw o sisibakin.

“Kaya ‘yang corruption, ‘pag gano’n alis ka (If you’re involved in corruption, just leave). Well, I’ll give you time,” sabi ng Pangulo sa harap ng school principals sa Davao City.

nina NIÑO ACLAN at CYNTHIA MARTIN

About Niño Aclan Cynthia Martin

Check Also

BingoPlus Chelsea Manalo Feat

BingoPlus welcomes Miss Universe Asia Chelsea Manalo home

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, has always been supportive of Chelsea …

BingPlus PANA feat

BingoPlus empowers brand partners before the year ends

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, upheld the Christmas party of the …

PNP Marbil Simbang Gabi

PNP nakaalerto, sa pagsisimula ng Simbang Gabi

GANAP na nakahanda ang Philippine National Police (PNP) upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng …

Bulacan ECCD

Kampeon sa pagpapaunlad ng mga kabataan
BULACAN, TUMANGGAP NG PAGKILALA MULA SA ECCD COUNCIL

Isa pang karangalan, na nagpapatunay ng pangako ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa ilalim ng …

Honey Lacuna PBBM Bongbong Marcos Manila mackerel

Mula kina PBMM at Mayor Lacuna
Kompiskado, ismagel na mackerel ipinagkaloob sa mga residente ng BASECO at Tondo sa Maynila

PINANGUNAHAN nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna – …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *