Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Janella, nag-level-up ang acting

ANYWAY, sayang at wala si Jenine sa premiere night ng So Connected dahil nakatitiyak kami na magiging proud siya sa anak niya dahil nag-level up na ang acting nito at base sa napanood namin ay lumabas ang tunay na katauhan ni Janella sa pelikula na maski tahimik ay may kakikayan naman sa likod nito. Hindi lang kami sigurado kung jejemon din ang aktres tulad ng karakter niya sa pelikula, he, he, he.

Ang cute ng pelikulang So Connected na produced ng Regal Films na dapat panoorin ng lahat lalo na ang nabibilang sa millennials dahil may aral sa mga mahilig sa social media dahil tinalakay ni Direk Jason Paul Laxamana ang pros and cons.

Bagay din ito sa nabibilang sa generation x dahil makare-relate rin kayo sa mga kilig scene nina Kartel (Jameson) at Trisha (Janella) na nangyari sa inyo noong high school.

Noong araw kasi ay hindi pa uso ang social media kaya kapag nakikita mo ang crush mo o taong may gusto sa ‘yo ay idinadaan ito sa sulyap o tinatawag na ligaw-tingin at kikiligin ka na.

At dahil millennial age na kapag nakikita na ang taong gusto mo, isang click lang ito sa cellphone at kapag malakas ang loob ay puwede itong i-upload sa social media para makarating na gusto mo siya.

Lahat ng bagay ay puwede ng malaman sa social media lalo na kapag may hinahanap kang tao tulad ng paghahanap ni Kartel kay Trisha.

Uso na talaga ang dalawang karakter sa pelikula at hindi naman kami na-bore dahil masaya at kilig nga ang So Connected, mahusay talaga si direk JP (Jason Paul) dito.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …