Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marco, hindi nililigawan si Juliana, close friends lang sila

WALA namang pagsisisi kaming nakita kay Marco Gallo nang sabihin niyang babalik siya sa 2ndyear college kapag nag-aral ulit siya ng kursong Linguistic dahil bumagsak siya sa Latin.

Kasalukuyang nag-aaral noon sa Milan, Italy si Marco nang sumali siya sa PBB Teen 7 at binansagang Pilyo Bello of Italy.

“Ang pinag-aaralan ko po noon na languages are French, Latin, English, Spanish. Mahirap po ang Latin kaya nga po ako bumagsak.

“Noong nag-audition po ako ng ‘PBB,’ 2ndyear of summer na, mag-avail sana ako ng summer kasi bagsak ako sa Latin and may exam ako ng September. Kung naipasa ko ‘yung exam na ‘yun, I’ll be in 3rdyear. Ngayon hindi ako nakapag-present ng sarili ko kasi nasa loob ako ng Bahay po. That’s why If ever I go back, 2ndyear po ulit ako,” kuwento ng binatilyo.

Plano na ni Marco sa Pilipinas mag-aral sa parehong kurso at pinayuhang sa UP mag-aral dahil may ino-offer silang kurso na gusto niya.

Kasama si Marco sa pelikulang Familia BlandINA bilang panganay na anak ni Karla Estrada na idinidirehe ni Jerry Sineneng na produced ng Arctic Sky Productions na pag-aari ni Dr. Dennis Aguirre at idi-distribute ng Star Cinema.

Samantala, naging laman ng balita si Marco kamakailan dahil siya ang prom date ni Julia Gomez, ang unica hija nina Ormoc Mayor Richard Gomez at Leyte 4thDistrict Representative Lucy Torres-Gomez.

Nagkakilala sina Marco at Juliana dahil sa Bench na pareho silang endorsers at naging magkaibigan na sila simula noon.

“We just met there (Bench event) and we became close friends and everyday we’re talking as friends,” kaswal na sabi ng binatilyo.

Bakit siya ang napiling kasama ni Juliana?

“Wala po kasi siyang kasama sa prom and she ask me if I can go with her, sabi ko ‘okay wala naman akong gagawin,’” saad ni Marco.

Marami ring kaibigang lalaki si Juliana pero si Marco ang pinalad na maka-date ng dalaga.

“Marami naman po kasi taga-Makati siya so not probinsiya style ang pag-iisip niya. I know her friends and they’re so nice,” pakli ng aktor.

Nagkakilala na sina Marco at ang magulang ni Juliana bago nangyari ang prom night.

“Dati pa po when we shoot for Bench sa Ormoc (City),” say ng binatilyo.  At sa pagpapatuloy niya, “At first siyempre it’s kinda hindi ko sila kilala siyempre it’s still scary na I meet the parents and it’s a big deal na not just in the Philippines in the end, he’s been super nice to me, so I don’t judge by the book. I like to know people before to judge and sobrang naging mabait sila sa akin, both parents and I’m glad at it.”

Sinangga kaagad ni Marco ang susunod naming tanong kung nanliligaw siya kay Juliana.

“Hindi ko po siya nililigawan,” paniniyak ng binatilyo.

Isang beses lang pumunta si Marco sa bahay ng Gomezes, “just went there ibang kasama po, I don’t feel like going there alone.”

Itinanggi rin ng aktor na nagbibigay siya ng something kay Juliana kapag nagkikita sila.

“No, why should I? And we’re not in the 1800 (years). If you’re courting, you have to give something else, but I’m not courting,” sabi pa.

Bakit nagustuhan niyang maging kaibigan ang dalaga? “She’s nice, one of the nicest I met in showbiz. Siyempre, ‘yung iba makikilala mo na buong pamilya nila artista. I met people na they’re not stick to the ground, they look at you by the cover at iyon ang kakaiba sa kanya. Rati hindi ko alam na anak siya ni Richard Gomez, then she’s like that and I’m proud of.”

As of now ay walang ka-loveteam si Marco dahil trabaho muna ang prioridad niya pero sa Familia BlandINA ay may partner siya na hindi pa lang niya sinabi kung sino.

Bukod kina Karla at Marco ay kasama rin sa pelikula sina Jobert Austria, Xia Vigor, Marissa Delgado, Buboy Garovillo, at Twinkle.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …