Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sylvia, sa Disneyland HK magbi-birthday

KAHIT pagod sa biyahe dahil kararating lang galing Japan nitong Huwebes ng madaling araw ni Sylvia Sanchez, lilipad naman siya ng Hongkong ngayong araw, Mayo 19 na mismong kaarawan niya.

Prior commitment na ni Sylvia na pasinayaan ang Beautederm sa Hongkong para sa event na Bb. San Juan at Ginoong Makisig Hongkong 2018 kasama ang kapwa niya endorsers na sina Matt Evans at anak na si Arjo Atayde.

Kaya sa unang pagka­kataon, wala sa bansa ang aktres para sa sele­brasyon ng kaarawan niya at sumakto dahil sa Disneyland niya gustong mag-birthday.

Pahayag ng aktres, “47 years old na ako, gusto ko namang maramdamang maging bata ulit, ha, ha, ha. Sasakay ako sa rides sa Disneyland at doon na rin kami magdi-dinner.”

Biro namin kay Sylvia na jetsetter siya dahil 36 hours lang ang itinagal niya sa Pilipinas mula Japan na roon siya nagselebra ng Mother’s Day at bonding time sa asawang si Art Atayde kasama ang bunsong anak na si Xavi.

Bakit hindi kasama sina Ria at Gela sa Hongkong? “Si Ria may taping ng ‘Wansapanataym’ at si Gela may rehearsal ‘di ba lalaban ulit ‘yung school nila sa hiphop com­pe­tition sa ibang bansa kaya ha­yun panay ang rehearsals.”

Dag­dag pa ng ak­tres, “mal­alaki na sila, Reg­gee, may kanya-kanya na silang buhay. Kaya si Xavi habang bata pa, nilulubos ko nang makasama siya. Baka bukas o sa susunod na taon, busy na rin.”

Samantala, natutuwa si Sylvia dahil halos lahat ng makakita sa kanya ay iisa ang sinasabi, “fresh looking at hindi halatang 47 years old.” Sabi ng aktres, “eh, kasi Beautederm ‘yan.”

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …