Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bea Alonzo Gerald Anderson

Bea, inaming hiwalay na sila ni Gerald

SA panayam ni MJ Felipe kay Bea Alonzo na umere sa TV Patrol nitong Martes ay inamin ng aktres na hiwalay na sila ng boyfriend niyang si Gerald Anderson.

Tinanong si Bea kung totoo na ang mga babae kapag tumuntong na ng edad 30 at hindi pa ikinakasal ay dapat nang kabahan.

Sabi naman ng aktres, “Ako, siguro, may kanya-kanya tayong timeline, ‘no. I try not to get affected sa pressure na ibinibigay sa akin ng society. May kanya-kanya tayong journey, eh.”

Hirit ulit ni MJ, ‘pero kayo pa rin ba ni Gerald?’ at nakangiting sinagot ng aktres ng, “gusto ko ‘yung segue (tanong), ang galing mo talaga. Hindi sa ngayon.”

Diretsong tanong ni MJ, ‘so, you’re single?’

“Technically, but of course were talking, were okay,” sagot ni Bea.

Hmm, kaya pala pagkatapos ng Kasal presscon ay hindi na pinayagang makapanayam ng entertainment press at bloggers ang mga bida ng pelikula dahil baka kulitin si Bea at ayaw muna niyang pag-usapan.

Anyway, naniniwala ba si Bea sa kasal.

“Ako I believe in marriage and I also believe na ‘yan ang bagay na hindi mo napaplano at hindi ko masabi kung five years from now,” say ng dalaga.

Naniniwala rin ba sa long engagement ang aktres? “Ako naniniwala ako dapat sinusunod mo lang ang nararamdaman mo sa bagay na ‘yan, like I have friends who are already married and sinasabi nila sa akin na kapag na-meet mo na ‘yung tamang tao para sa ‘yo, you just know when to get married, you just know when it will come. So, it’s something na hindi mo siya napaplano at hindi mo binibigyan ng deadline o timeline ‘yung sarili mo kasi sabi nila kapag biniyayaan ka ng tamang tao malalaman mo na lang na siya na ‘yun and when to get married.”

Sa taong ito (2018) ay ratsada sa paggawa ng pelikula si Bea dahil noong 2017 ay hindi siya nakagawa dahil naging abala siya sa tapings ng A Love To Last na umabot ng walong buwan.

Bukod kina Derek, Paulo, at Bea, kasama rin sa Kasal sina Cherie Gil,  Cris Villonco, JC Alcantara, Vin Abrenica, Ricky Davao, Ces Quesada, Celeste Legaspi, Kylie Verzosa, Bobby Andrews, Cai Cortez, at Christopher de Leon na idinirehe ni Ruel S. Bayani para sa pagdiriwang ng Star Cinema sa kanilang 25thanniversary at mapapanood na sa Mayo 16.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …