Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Krystal Brimmer, walang arteng nagpakalbo

TUMANGKAD at dalagita na si Krystal Brimmer kaya hindi namin siya nakilala sa ginanap na mediacon ng So Connected noong Huwebes, Mayo 3, sa Valencia Events.

Kung hindi pa namin napanood ang Your Face Sounds Familiar nitong Sabado, Mayo 5, na isa si Krystal at binanggit kung ano-ano ang naging projects niya ay at saka lang namin siya natandaan.

Si Krystal ang gumanap na batang anak nina John Lloyd Cruz at Meryl Soriano sa pelikulang Honor Thy Father (2015) na idinirehe ni Erik Matti at siya ang batang kinalbo bagay na hinangaan din ng lahat ang husay sa pag-arte kaya naman nanalo siya bilang Best Child Performer.

Hindi lang sa pelikula at telebisyon kilala si Krystal kundi sa teatro rin dahil maraming musical play na rin ang nilabasan niya bilang bida tulad ng Annie at iba pa.

Going back to So Connected, gagampanan ni Krystal ang karakter na Kate na kapatid ni Jameson Blake as Karter at masaya ang bagets na napasama siya sa pelikula dahil nag-enjoy siyang kasama ang lahat dahil naging mga ate at kuya niya.

At dahil bata pa si Krystal sa edad na 11 kaya hindi pa siya pinayagang sumagot kung naniniwala siya sa ‘soulmate’ na kuwento ng pelikula nilang So Connected.

Suportado si Krystal ng magulang niya dahil kasama niya sa mediacon ng pelikula niya sa Regal Films.

Mapapanood ang So Connected sa Mayo 23 na idinirehe ni Jason Paul Laxamana at produced ng Regal Films.

Samantala, napuri nang husto si Krystal nina Sharon Cuneta, Ogie Alcasid, at Gary Valenciano sa napakahusay niyang panggagaya kay Miley Cyrus sa awiting Wrecking Ball.

Hmm, kung magtutuloy-tuloy ang magandang record na ito ni Krystal ay posibleng siya ang manalo sa Your Face Sounds Familiar Season 2.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …