SA wakas mapapanood na ang Citizen Jake sa Mayo 23 dahil binigyan ito ng R-13 ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ng walang putol.
Kaya naman ang saya-saya ng Team Citizen Jake dahil ang inaakala nilang hindi mapapanood ng lahat ay mangyayari na.
Base sa post ni Direk Mike de Leon sa kanyang Facebook page ng Citizen Jake, “It is a good honest film that is seeking an audience that I am convinced is out there. May you allow me to ask for your support?”
Ang Solar Pictures ang magdi-distribute ng Citizen Jake at sobrang tuwa ng Presidente at CEO na si Wilson Tieng dahil nagkatrabaho ulit sila ni direk Mike.
Ayon kay Mr. Tieng, “We are so excited to be working again with director Mike de Leon. The unconventional storytelling of ‘Citizen Jake’ is something we would like to offer the audience. The story is also relevant today and we hope this will drive moviegoers to watch this May 23.”
Napanood na namin ang Citizen Jake sa UP Film Center at kuwento ito ni Jake Herrera na karakter ni Atom Araullo na taga-diyaryo at anak ng isang corrupt na senador.
Gustong patunayan ni Jake na hindi siya katulad ng tatay niya kaya humiwalay siya at mag-isang tumira sa Baguio at piniling magturo sa eskuwelahan.
Makakasama ni Atom sa pelikula sina Cherie Gil, Dina Bonnevie, Nonie Buencamino, Adrian Alandy, Gabby Eigenmann, Max Collins, Teroy Guzman, Lou Veloso, Richard Quan, Victor Neri, Allan Paule, Anna Luna, Elora Españo, Cholo Barretto, Raquel Villavicencio, Nanding Josef, at Ruby Ruiz.
Nagtulong sina Atom, Noel Pascual, at direk Mike sa pagbuo ng script.
FACT SHEET
ni Reggee Bonoan