Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sarah, nawalan ng boses sa Las Vegas concert

MUKHANG walang pahinga si Sarah Geronimo dahil sa USA tour na This Is Me na ginanap sa Cannery Resorts & Casino North Las Vegas nitong linggo (Abril 29) ng gabi ay nawalan siya ng boses as in.

Base sa mensaheng nakarating sa amin ng mga nakapanood ay nawalan ng boses ang singer habang kumakanta na hindi binanggit sa amin kung anong kanta.

Halatang pagod na raw si Sarah ayon sa kaibigan naming nakapanood dahil medyo hinihingal na.

Hala paano na ang mga susunod na shows sa Chicago sa Mayo 4 at New York City sa Mayo 6? Kakayanin pa ba ito ni Sarah?

Base naman sa mga nakaalam sa nangyari kay Sarah ay “pagod na lola mo, sunod – sunod na kasi, umaangal na nga.” 

Biruan naman sa showbiz events, “baka matuluyan na siyang maging Miss Granny.”

Ang Miss Granny ay kasalukuyang isinu-shoot ngayon ni Sarah kasama sina James Reid at Xian Lim produced ng Viva Films  na idinidirehe ni Joyce Bernal.


FACT SHEET
ni Reggee Bonoan  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …