Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kristine, ‘di nagpakabog kay Liza

SINO ang mas maganda kina Kristine Hermosa at Liza Soberano?  Sino nga ba Ateng Maricris?

Nagkita na ang dalawa sa epic seryeng Bagani sa episode noong Miyerkoles ng gabi at halos iisa ang natanggap naming mga mensahe, “grabe nagkita na sina Ganda at Malaya, grabeeee ang ganda nila!”

Oo naman, ang ganda nina Liza at Kristine at maski na dalawang dekada ang agwat ng edad ng misis ni Oyo Sotto ay hindi halata dahil para lang silang magkapatid.

Kaya lang nabitin ang mga manonood dahil isang eksena lang ang nakitang magkasama ang dalawa kaya ang hilinh ng mga tagasubaybay ng Bagani ay damihan ito.

Kaya nagkita sina Ganda at Malaya ay dahil ang lugar na napuntahan ng una ay parehong lugar kung saan ikinulong ni Bathala (Raymond Bagatsing) ang ama niya.

Hindi kasi pabor si Bathala na inaayunan ni Malaya ang mga masamang gawain ni Sarimaw (Ryan Eigenmann).

Bati na sina Lakas (Enrique Gil) at Dakim (Christian Vasquez) dahil humingi na ang huli ng isa pang pagkakataon at itutuwid na nito ang lahat ng pagkakamali.

Maging si Lakam (Matteo Guidicelli) ay nagbalik loob na bilang Bagani at iniwan na ang tatay niyang si Ama (Robert Sena) na walang ginawa kundi sulsulan siya at para magapi si Lakas ay kailangang kumapi siya kay Sarimaw.

Abangan ang Bagani pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano sa ABS-CBN Channel 2.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …