Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Solenn, handa nang maging mommy (pero hindi pa ngayon)

ALIW si Solenn Heussaff sa karakter niya bilang ina ni Marcus Cabais sa pelikulang My 2 Mommies kasama si Paolo Ballesteros at si Joem Bascon na produced ng Regal Films na idinirehe ni Erik Aquizon.

Wala pa kasing anak si Solenn at asawang si Nico Bolzico kaya more or less ay training ground na rin ng aktres ang pagiging ina sa makulit na si Marcus.

Ay grabe Ateng Maricris, nakatutuwa ang batuhan nina Solenn, Marcus, at Paolo sa Q and A ng My 2 Mommies dahil natanong sila kung handa na siyang maging ina.

“Nag-aaral akong mag-alaga ng pusa ko, may aso rin ako, then dito sa movie, si Marcus. In terms sa finances, dahil lagi naman akong may work, nakaipon na ako, I think ready na akong maging mommy. But hindi pa ngayon, we will get there, but not this year. Pero kung biglang dumating, ready na ako.”

Dagdag pa, “Anyone can carry a child, but iba ang connection ninyo kung ikaw talaga ang mommy ng bata.”

Samantala natanong kung halimbawang nalaman ni Solenn na may anak na pala si Nico.

”Okey naman sa akin, for example kung one year pa lang ay lumabas nang may anak siya, no question sa akin iyon. Pero kung for example seven years na bago niya inilabas na may anak siya, teka muna, bakit hindi mo ipinaalam sa akin. But I will support him, anak niya iyon, kahit ano pa ang reasons niya. Hindi mo pwedeng pabayaan ang isang bata, lalo pa kung anak mo naman talaga.”

Anong klaseng ina kung sakali si Solenn.

“I will be a strict mom, like my mom. Siya ang critic ko, lalo na kung may ginawa ako na hindi niya gusto. But my dad, ang bait niya, lagi niya akong pinupuri, parang wala akong ginagawang mali. But I will be a guide to my children.”

Ang My 2 Mommies ay Mother’s Day presentation ng Regal Films at mapapanood na nationwide simula sa May 9,  at with special participation of Ms Maricel Soriano.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …