SAMANTALA, kada buwan ay nagre-report pa rin si JM sa rehab at pagdating ng Hulyo ay ga-graduate na siya.
Sa tanong kung si Jessy Mendiola ang dahilan kung bakit muli siyang napasok sa rehab sa ikalawang pagkakataon.
Aniya, “wala po akong sinisisi kundi sarili ko, ako lang po iyon, walang ibang may kagagawan.”
Sa tanong namin kung nagkausap na sila ni Jessy, “Wala lang pong opportunity (mag-usap) pero nagkita po kami sa restaurant pero hindi (nagtama ang mga mata), parang pagdaan niya, nakayuko ako sa table tapos, sabi ng kasama ko, ‘huy si Jessy dumaan, tumingin dito sa table natin’ tapos pagtingin ko, ah siya nga.”
Nabanggit din ng aktor na matagal na siyang naka-move on kaya noong tanungin siya kung may nararamdaman pa rin siya sa dating karelasyon, “wala na po,” saad ng aktor.
At okay kay JM na si Luis Manzano ang makatutuluyan ni Jessy, “opo, masaya naman po ako roon, basta kung saan po siya masaya okay ako.”
At nakangiting sinabi ni JM na mas nakakausap pa niya si Luis kaysa kay Jessy dahil noong nagkita sila sa ASAP ay binati siya ng TV host at winelcome pa.
Sa kabilang banda, gagampanan ni JM ang karakter ni Adrian Olivar na isang CEO sa Olvidar Group of Companies na nagmamay-ari ng hotels, restaurant, theme parks, at may kakaibang katauhan kaya kinatatakutan siya sa El Paraiso at ang bansag sa kanya ay The Beast.
Sa Lunes, Abril 30 na mapapanood ang Araw Gabi mula sa direksiyon nina Don Cuaresma, Mylah Ajero Gaite, at Theodore Boborol mula sa RSB Unit at ang ibang cast ay sina Vina Morales, RK Bagatsing, Jane Oneiza, Paulo Angeles, Usabel Ortega, Joshua Colet, Victor Silayan, Arlene Muhlach, Eric Nicolas, Phoebe Walker, Ara Mina, at Rita Avila.
FACT SHEET
ni Reggee Bonoan