Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

JM, thankful at nagulat sa offer ng ABS-CBN

SA media launch ng pagbabalik ng Precious Hearts Romances Presents: Araw Gabi mula sa nobela ni Martha Cecilia kahapon ay natanong si JM De Guzman kung ano ang pakiramdam na sa ikatlong pagkakataon ay muli siyang binigyan ng tsansa ng ABS-CBN para maging bida ulit.

“Sobrang nagpapasalamat po at saka hindi na nga po ako nag-expect kaya nagulat ako noong alukin ako ng serye at pelikula.

“Pinayagan po kasi ako ng rehab na lumabas tapos dumalaw po ako rito tapos nabanggit nga itong show at movie, so pinag-isipan ko po, pero ang advise ng rehab ay isa lang muna ang gawin ko para hindi mapuwersa. Pinili ko po itong ‘Precious Hearts,’” kuwento ni JM.

At ang bilis nga dahil noong ialok sa kanya ang Araw Gabi ay taping na kaagad sila pagkatapos ng screen test.

Tinanong namin kung isa si JM sa nag-approve kay Barbie Imperial bilang leading lady niya, “natanong po ako at sabi ko gustong-gusto ko. Sino po ba naman ang tatanggi sa kanya (sabay tingin sa katabing dalaga).

Pero para kay Barbie ay masungit si JM at hindi siya pinapansin maski ilang beses na niyang kinakausap ang aktor.

“Kasi po in character po ako kaya sa set tina-try kong i-invibe sa sarili ko na rin,” paliwanag naman ng binata.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …