Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jasmine, bakit sa GMA pumirma at ‘di sa ABS-CBN?

NAKAPALITAN namin ng mensahe ang manager ni Jasmine Curtis Smith na si Ms Betchay Vidanes tungkol sa two year contract na pinirmahan ng aktres sa GMA 7.

Tinanong namin kung under ng GMA Artist Center si Jasmin dahil ang alam namin kapag may bagong lipat sa Kapuso Network ay automatic na co-manage ng talent management ng GMA 7.

“No, hindi siya under GMA Artist, nag-present palang ang GMA, hindi kami ang nag-decide kung ano,” ito ang mensahe sa amin ni Ms Betchay.

As of this writing ay wala pang binanggit kung ano ang magiging programa ni Jasmin sa GMA 7.

May nagtanong sa amin kung bakit hindi sa ABS-CBN pumunta si Jasmin gayung nakakapag-guest naman siya sa It’s Showtime at nakagagawa rin ng pelikula sa Cinema One si Jasmin.

Tinanong namin si Ms Betchay kung bakit hindi sa ABS sila pumirma at kung may offer, hindi kami sinagot.

Anyway, may ginagawang pelikula ngayon si Jasmin under Unitel kasama si Tom Rodriguez at si Mark Meiley ang direktor na hindi naman binanggit kung anong titulo.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …