Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Paalala ng Comelec sa mga kandidato

IPAPATUPAD ngayon sa unang pagkakataon sa halalan ng barangay sa susunod na buwan ang Sangguniang Kabataan (SK) Reform Act of 2015.

Ayon kay Commission on Elections (Comelec) spokesperson Dr. James Jimenez, ang nasabing batas ay may mga probisyon ukol sa anti-political dynasty na nagbabawal sa may kamag-anak na kasalukuyang nagtatrabaho sa gobyerno na tumakbo para sa public office.

MAINIT na tinalakay sa Kapihan sa Manila Bay Media Forum sa Cafe Adriatico, Malate, Maynila ang nalalapit na Barangay at SK elections sa 14 Mayo kaya sinagot nina Comelec Director Spokesman James Jimenez at dating Comelec Commissioner Gregorio Larrazabal ang mga tanong ng mga mamamahayag. (BONG SON)

Sakop nito ang mga posisyon sa pamahalaan mula sa barangay level hanggang pagka-gobernador.

“The second degree of consanguinity and affinity includes grandmothers, grandchildren, male and female siblings, as well as in-laws,” punto ni Jimenez.

Ngunit inamin na ang implementasyon ng batas ay malaking hamon para sa Comelec, partikular sa mga lalawigan.

“We will prevent not just the candidate… in some cases and certainty, we have been receiving a lot of allegations,” sabi ni Jimenez.

Kamakailan, inihayag ng Comelec na nakatanggap sila ng mga ulat na may ilang mga indibiduwal sa Lanao Del Norte ang hinarang ang kandidatura dahil may ilan silang mga kamag-anak na nahalal noong nakaraang eleksiyon at ngayo’y nanunungkulan sa gobyerno.

Sa dahilang ito, sinabi ni Jimenez na susuriing mabuti ng Comelec ang mga certificate of candidacy (CoC) ng lahat ng mga kandidato.

“Anyone who lied or wrote false information in their COCs may face disqualification,” babala ng tagapagsalita ng Comelec.

“Plus, he or she may have criminal liability because he or she lied in a public verified document,” dagdag ni Jimenez.  (TC)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …