Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Arjo at Sue, naghihiraman muna ng mouthwash bago maghalikan 

NAPAKARAMING kissing scenes nina Arjo Atayde at Sue Ramirez sa seryeng Hanggang Saan na dalawang linggo na lang mapapanood sa ABS-CBN kaya ang tanong ng lahat, hindi ba nagseselos ang rumored boyfriend ng aktres na si Joao Constancia na miyembro ng Boyband PH.

Kaagad na sabi ni Sue nang makausap namin pagkatapos ng presscon ng HS, “Hindi!  Gets niya naman (romantic scene). Actually, gusto niyang mag-artista pero as of now hindi pa puwede maybe in the future siguro.

At saka parang hindi naman na niya kailangan (ipaliwanag ni Sue) kasi pinasok niya itong industriya na ito. Cool lang siya, chill lang kami sa isa’t isa,” say ng aktres.

Hindi inamin ng diretso ni Sue kung sila na ni Joao, sabi lang niya, “wala po kaming label, basta ‘happy’ lang kami.”

Hirit namin kung totoong crush niya si Arjo gayun din ang aktor.

Hindi, joke lang ‘yun. Pero hindi malayo kasi napakabuting tao ni Arjo,” tumawang sagot sa amin ng dalaga.

Pero ang puso naman niya ay kay Joao lang dahil ang singer lang ang nakikita niya.

Oo naman. May mga malilikot kasi ang mata. Hindi naman ako ganoon.  Kung saan lang ako nakatingin, doon lang ako pupunta,” katwiran niya.

Kung walang Joao ay bagay sila ni Arjo, “eh, may Sammy (girlfriend ni Arjo), ha, ha, ha may Sammy daw. Bakit hindi niya (Arjo) inamin?”  humahalakhak na sagot ni Sue.

Pero kung walang Sammy, puwedeng maging sila ni Arjo, “ay hindi rin,” mabilis na sagot ulit ni Sue.

Bakit hindi pa inaamin ni Sue na boyfriend na niya si Joao, “eh, wala naman po kasing aaminin. Nakikita n’yo naman na lumalabas kami, basta happy kami.”

Ilang years na ba silang ‘happy’ ni Joao, “mag-one year palang,” kaswal na sabi ng dalaga na indirect niyang inamin na sila na talaga dahil mag-a-anniversary na sila.

Si Arjo ang unang leading man niya sa showbiz at ang aktor din ang unang screen kiss niya kaya nagpapasalamat siya dahil maganda ang una niyang experience.

Napakabuting tao ni Arjo, he’s such a gentleman to everybody.  Hindi lang sa mga babae kundi sa lahat ng taong kasama niya,” magandang sabi ng dalaga.

Dalawang beses lang kinukunan ang kissing scene nila dahil nga palagayan na sila sa isa’t isa kaya walang kiyeme.

“’Yung unang-una, ang dami naming kissing scenes, si Arjo ang naka-una at nakarami pa. Ibinibigay lang namin ang hinihingi ng script. Usually two or three takes lang po. Hindi kami naiilang sa isa’t isa kaya madali lang kami kunan,” saad ni Sue.

Good kisser ba si Arjo, “ha, ha, is he a good kisser?  There’s still room for improvement, wow, ha, ha, ha, ha. joke lang po. Kasi ‘yung kiss onscreen, hindi naman siya passionate or how you really do it in real life,” natatawang sabi ng aktres.

Hirit ulit namin na baka sa susunod niyang project ay may kissing scene na dahil bumigay na siya.

Depende po ‘yan sa script, basta open po akong gawin kung ano ang hinihingi sa akin at kung papayagan ng Star Magic at ng ABS (CBN).  Okay po. Hindi naman siguro nila ako bibigyan ng kahit sino (leading man),” katwiran ng aktres.

Nabanggit pa ni Sue na share sila ni Arjo sa Listerine bago sila kunan ng kissing scene.

Nagsi-share pa nga kami ng Listerine, eh. Ganoon kami ka-open sa isa’t isa. Sa industriyang ito dapat maging open ka sa mga katrabaho mo para mas maayos ang trabaho ninyo.  Kasi kung magkakailangan kayo, walang mangyayari,” kaswal na banggit ng dalaga.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …