Tuesday , January 7 2025

Bagong sangay ng G-Force Dance Center sa Alabang, bukas na

PORMAL nang nagbukas ang bagong studio ng G-Force Dance Center sa 3rdfloor Festival Mall, Alabang noong Abril 7, Linggo.

Sabi ni Teacher Georcelle Dapat-Sy at asawang si Angel Sy, kaya sila nagbukas ng bagong sangay ay dahil sa rami ng customers na nagre-request sa kanila.

“Nag-open tayo sa Alabang because there’s really a demand from the people from the South. It’s really challenging for them to come to Quezon City (Il Terrazzo).

“For how many years ang daming nagre-request sa amin, they’ve been sending e-mails, ‘Mag-open naman kayo sa South.’ Ang daming nag-aabang ng G-Force. The minute we announced, grabe ang response ng mga tao. It is also a sign of growth for G-Force. 

“Every year naghahanap kami ng isang magsi-symbolize, ano ang improvement for this year? Ano ang bago sa atin? Paano natin masasabi na may growth tayo, the Alabang branch is one ‘Humbaaam’ sign,” kuwento ni Teacher Georcelle.

Nakilala ang G-Force project na ito ni Teacher Georcelle na may concert-recital ang mga estudyante at ito ‘yung pinasikat na White Shirt Love Dance Performance na ginawa na sa Smart Araneta Coliseum at SM MOA.

Kuwento pa ng dance guru, ”G-Force project is now a series. It’s still the biggest, grandest summer dance workshop in the Philippines and that’s really our claim because it is the grandest, it is the biggest. 

“Last year we had 1,600 students, to mount a show for 1,600 students, it was entertaining still but kind of a long wait for the most of the parents. This is our gift for them. You can go to one, you can go to two, you can go to three shows if you want. But the wait is not going to be that long. We learned from our expe­riences and breaking it into three parts will really make a lot of difference and it will be really, really more improved 2-hour show.”

Dagdag pa, ”Ang pride namin dito sa G-Force, home-grown choreographers, that’s our pride and exclusivity, they don’t teach in other schools or studios. Kung ano ang napapanood n’yo sa ‘ASAP’, kung ano ang napapanood n’yo sa mga concert, kung sino ang nagtuturo kina James Reid, Nadine Lustre, Sarah Geronimo, those are the people, choreographers who will train them, who will handle them. 

“Kumbaga, ‘yung mga galawang nakikita n’yo, ‘yung nagtuturo kay Maja Salvador, kay Sarah Lahbati, lahat ‘yan, ‘yan ang mae-experience ng mga estudyante. This is an experience of a life time.”

At ngayon ay may bagong project ang G-Force, ang 2018 Summer Dance Workshop concert series sa Hunyo 8, 12, at 16 na gaganapin sa The Theater, Solaire Resorts at magsisilbing culmination ng lahat ng mga estudyanteng mag-e-enroll sa dance workshop.

Bakit sa maliit na venue na ang concert?

”I really want to give the students the theater training. They will do their own make-up. There will be quick costume change na sila-sila lang and walang katulong but you have your own space. You have your mirror, you will feel that you are really a performer. Sariling sikap lahat, that’s the training that I want to give them.

“For those who are interested to join the program, they can dial 0917-8GFORCE (436273) or 02-7096077 for inquiries. They can also download our mobile app (G-Force Dance Center). They will be trained by celebrity tea­chers and choreographers of G-Force Dance Center,”paliwanag ni teacher Georcelle.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Arjo Atayde Sylvia Sanchez

Sylvia ibinuking Arjo elementary pa lang nangungulit na para mag-artista

RATED Rni Rommel Gonzales SEPTEMBER 5, 2024 nang manalo si Arjo Atayde bilang Best Lead Actor in …

Sugar Mercado Salome Salvi Intele Builders Development Corporation Cecille Bravo Pedro Pete Bravo

Sugar at Salome pinasaya thanksgiving party ng Intele

MATABILni John Fontanilla PINASAYA ni Sugar Mercado at VMX star Salome Salvi ang two-part Christmas …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB, nakapagtala ng panibagong record  
HIGIT 267,000 MATERYALES NIREBYU SA LOOB NG 2024

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SA LAYUNING mabigyan ng angkop na klasipikasyon ang lahat ng …

JohnRey Rivas

JohnRey Rivas katas ng teatro ipinagpatayo ng bahay 

HARD TALKni Pilar Mateo BAGO pumasok ang 2025, hindi natatapos ang kwentuhan namin ng bagong …

Daniel Padilla

Daniel ibinebenta na raw shares sa mga negosyo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GAANO kaya katotoo ang tsismis na sa pagpasok ng 2025 ay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *