Friday , January 2 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
robin padilla stuntman injury
robin padilla stuntman injury

Double ni Robin, naaksidente, pumutok ang ulo

PUMUTOK ang ulo at sumirit ang dugo sa ulo ng stuntman na dumobol kay Robin Padilla sa isang action scene sa seryeng Sana Dalawa Ang Puso kasama sina Jodi Sta. Maria at Richard Yap na napapanood bago mag-It’s Showtime.

Ipinost ni Robin sa kanyang IG account ang kuha ng stuntman na tumalon sa crate at nauna ang ulong bumagsak.

Ayon kay Binoe, “Ito ang mga hindi inaasahan na sakuna sa loob ng mga action scene sa aming teleseryeng Sana Dalawa ang Puso. Nasaktan si stuntman Glen sa pagganap niya bilang Leo.

“Lumagapak ang kanyang ulo sa cemento kayat kagyat sumigaw ng Medic ang cameraman na sina Mark at Bingbong dahil sumirit ang dugo sa noo niya kayat dali daling inasikasong mabuti ng medical officer ang Stuntman mabuti at kumpleto ang emergency services ng AbsCbn sa set kayat naitakbo siya sa hospital upang maisagawa ang mga test sa kanyang injury.

“Tunay na napakahirap ng buhay stuntman sila na nasaktan sila pa ang humihingi ng dispensa sa naganap. Malalim na pagpupugay sa mga bayani ng Pelikula at Telebisyon.”

Nasa 107 naman ang nagpahayag ng kanilang saloobin para sa naaksidenteng stuntman at nagsabing sana doblehin na rin ang bayad sa kanila dahil maliit lang ang mga kita nila.

Mula kina, @nicadelrio18 @robinhoodpadilla, “dapat sila ang may double pay din!”

@graceramadabangkok, “Oh my kawawa naman.”

@missionjoserizal, “Get well soon po stuntman glen. I hope di na mangyari uli yan, iwas sakuna! @ leo – bantayan mo c boss maam at nakuuuuu.”

@itsmemarionmae, “Omg. So sorry to hear idol. Sana nasa mabuti po syang kalagayan. Praying. Ingat po sa lahat sir Binoe.”

@buttsabangelbuttsab17, “Naiyak naman ako kaya dapat malaki bayad nila kasi delikado trabaho nila.”

@sol.leynes, “Ganyan talaga trabaho kailangan mo isakripisyo ang iyong sarili alang alang sa iyong pamilya. Ibayong pag-iingat at dasal lang ang tanging kailangan.”

@itsme_cecille_05, “Naku ingat po. We only have one life to live. Keep it. Keep safe.”

@estelavictoriao, “Ano na kalagayan ng stuntman na naaksidente?”

@curlypot332, “Ang hirap kumita ng perabuwis buhay.”

@curlypot332, “Sana ok s kuya.”

@Jacklovefalcis, “MABUHAY ANG MGA STUNTMAN.”

@Maiwalill, “Sana mataas ang bayad sa kanila kasi ang hirap kapag buhay na ang nakasalalay.”

@norhana_mamingkas, ”Naalala ko tuloy si Jackie Chan nu’ng grabi ‘yung iyak nya after how many years nagkita kita sila ng mga stuntman n’ya grabe pasalamat nya kasi di basta basta ginagawa nilang mga movies kaya minsan ‘yung ibang stuntman nadadala agad agad sa hospital.”

Buwis buhay talaga kapag may action scenes.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Vice Ganda, Ion Perez pinaghahandaan pagkakaroon ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SINABI ni Vice Ganda, sa isang panayam na willing sila ni Ion Perez na …

James Reid Nadine Lustre Jadine

Nadine ayaw na nga bang makatrabaho si James?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAALIW naman kami sa latest interview kay Nadine Lustre. Bukod sa pagiging consistent …