WIN na win sa puso ng manonood ang teleseryeng Hanggang Saan na pinagbibidahan ni Sylvia Sanchez sa taas ng ratings na nakukuha nito.
Kaya naman sobrang happy ang mahusay at napaka-generous na actress dahil habang tumatagal ay pataas ng pataas ang ratings ng kanyang teleserye.
At kung winner nga ang Hanggang Saan, winner din sa puso ng mga Pinoy ang ineendoso nitong beauty clinic/ products na Beautederm na pag-aari ng napakabait na si Ms Rei Anicoche-Tan.
Sunod-sunod ang pagbubukas ng mga bagong Beautederm Clinic at branch ng Beautederm na nagsu-suplay ng mga produkto nito.
Effective ang produkto nito para maging maganda at smooth ang kutis ng bawat isa at bukod sa mga beauty products ay nay iba pang produkto ang Beautederm na talaga mamang swak na swak sa panlasang Pinoy.
Both winner nga si Sylvia sa career at pagiging endorser na ngayon ay pinasok na rin ang pagnenegosyo.
MATABIL
ni John Fontanilla