Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
ryza cenon Sigrid Andrea Bernardo
ryza cenon Sigrid Andrea Bernardo

Ryza, bumawi sa Osaka Filmfest (‘di man tumabo sa takilya ang Mr. & Mrs. Cruz)

MAGKASUNOD na taong nakamit ng Filipina actresses ang Yakushi Pearl Award mula sa Osaka Film Festival noong 2017 at ngayong 2018.

Nakamit ni Iza Calzado ang nasabing award noong 2017 para sa pelikulang Bliss mula sa TBA Studios na idinirehe naman ni Jerold Tarrog.

At ngayong 2018 ay muling nasungkit ng Pinay aktres na si Ryza Cenon ang Yakushi Pearl Award para naman sa pelikulang Mr. & Mrs. Cruz produced ng Viva Films na idinirehe naman ni Sigrid Andrea Bernardo.

Kilalang-kilala na si direk Sigrid sa nasabing bansa dahil sa pelikulang Kita Kita na pinagbidahan ninaAlessandra de Rossi at Empoy Marquez na highest grossing indie film sa Pilipinas na produced ng Spring Films.

Going back to Ryza, nasulat namin dito sa Hataw kamakailan na topic siya ng kilalang broadsheet entertainment editor at movie producer cum director na huwag na siyang tumanggap ng kontrabida role kapag may pelikula siyang ipalalabas para hindi makaapekto sa box office.

Inamin din naman ng dalawang nag-uusap na mahina sa takilya ang pelikulang Mr. & Mrs. Cruz nina Ryza at JC Santos dahil nga nakaapekto ang pagiging kontrabida ng aktres sa serye nito sa GMA 7, isama pa ang pelikulangAng Manananggal kasama naman si Martin del Rosario.

Actually, Ateng Maricris ang daming supporters ni Ryza ang nag-react sa isinulat namin at ikinatwiran nila na hindi kasi masyadong nai-promote at hindi rin natulungan ng mismong network kung saan siya konektado.

Mukhang may kapalit naman ang lahat ng ito kay Ryza dahil sa pagkakapanalo niya sa Osaka Film Festival 2018.

Sana bigyan ng follow-up movie ng Viva Films si Ryza habang mainit-init pa ang award niya at nagtapos na rin ang serye niyang kontrabida siya.

Anyway, kasama ni Ryza sa nasabing festival ang boyfriend niyang si Cholo Barretto at  sina MTRCB Head Rachel Arenas, MTRCB board member Joey Romero, FDCP Head Liza Diño, at direk Bernardo. Naroon din ang lead actress ng The Good Son na si Eula Valdes at boyfriend nitong si Rocky Salumbides para sa pelikula nilang NeoManila na idinirehe ni Mikhail Red na nakakuha naman ng Most Promising Talent Award.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …