Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Cherie Pie Picache Julia Montes lorna tolentino asintado
Cherie Pie Picache Julia Montes lorna tolentino asintado

Televiewers, galit kay Lorna; Cherie Pie, pinatay na sa Asintado 

MAHIRAP talagang pagsabayin ang dalawang teleserye lalo na’t hand to mouth ang taping kaya kinakailangang mawala ang isa.

Ito ang nangyari ngayon kay Cherie Pie Picache na sabay ginagawa ang panghapong seryeng Asintado pagkatapos ng It’s Showtime ni Julia Montes at ang The Blood Sisters ni Erich Gonzales na napapanood bago mag-TV Patrol.

Mas naunang umere ang Asintado na obviously unang inalok ito kay Cherie Pie bilang si Celeste na nanay-nanayan nina Aaron Villaflor, Aljur Abrenica, Empress Schuck, Louise de los Reyes, at Julia na tinutuklas ang lihim ni Nonie Buencamino bilang si Senator Salvador del Mundo na may mga illegal na gawain.

Between Asintado at The Blood Sisters ay mas kailangan si Cherie Pie sa serye ni Erich dahil siya ang ina ng triplets na sina Erika, Carrie, at Agatha dahil siya ang may hawak ng susi kung paano nagkahiwa-hiwalay ang magkakapatid na ang ama ay si Jestoni Alarcon.

Going back to Asintado, maraming galit sa karakter ni Lorna Tolentino bilang si Miranda Ojeda na ina ni Paulo Avelino (Gael) at kanang kamay at kasosyo sa illegal na negosyo ni Salvador (Nonie).

Si Miranda (Lorna) ang pumatay kay Celeste (Cherie Pie) nang mahuli niya ito sa mansiyon na naghahanap ng ebidensiya laban sa kanila kaya nagpambuno sila at nabaril kaya mas lalong tumindi ang galit ni Ana (Julia) na maghiganti laban sa mga del Mundo (Nonie).

Bago nalagutan ng hininga si Celeste (Cherie Pie) ay naiabot niya kay Ana (Julia) ang librong pag-aari ng tatay ng huli.

Nakatutuwa ang mga artista ng ABS-CBN segue-segue lang sila sa mga teleserye.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …