Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ryza, ‘di na dapat tumanggap ng kontrabida role

DAPAT sigurong huwag munang tumanggap ng kontrabida role si Ryza Cenon para hindi maapektuhan ang pelikulang siya mismo ang bida.

Ito ang napagkuwentuhan ng kilalang broadsheet entertainment editor at movie producer at direktor din.

Sa isang presscon ng pelikula ay magkakasama kami sa lamesa at napag-usapan ang serye ni Ryza na Ika-6 na Utos na ang sama-sama ng papel ng aktres.

Hirit ng entertainment editor, “you know what, itong si Ryza Cenon hindi kikita mga pelikula niya hangga’t napapanood siyang kontrabida sa teleserye. Nakaka-apekto kasi ‘yun sa image niya. Kaya kung gusto niyang kumita ang movies niya, huwag siyang mag-kontrabida. Look what happened sa ‘Mr. and Mrs. Cruz’ niya, mahina kasi sabay pang umeere ‘yung serye niya sa GMA na puro patayan na gustong-gusto naman ng televiewers.”

Sagot naman ng movie producer at director din, “oo nga, ‘yan din ang naisip ko kasi ‘yung ‘Manananggal’ niya mahina rin.”

Katwiran ulit ng entertainment editor, “dapat may mag-advise rito kay Ryza. Sino ba ang manager niya? Tingnan ninyo ang mga artista ng ABS-CBN kapag bida sila sa movies, never silang naging kontrabida sa TV series nila. Roon magaling ang ABS sa artists nila.”

May point naman ang pahayag na ito ng entertainment editor.  Hayan Ryza Cenon sana makarating sa iyo ang nasulat naming ito.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …