Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dina Bonnevie Erich Gonzales hula-hoop

45 mins. hula-hoop, sikreto ni Dina sa pagiging seksi

NAGHUHULA-HOOP pala si Dina Bonnevie kapag nanonood siya ng The Blood Sisters sa bahay nila na inaabot ng 45 minutes, base ito sa takbo ng usapan nila ni Ogie Diaz na ipinost ng huli sa kanyang FB account.

Habang naka-break pala ang cast ng The Blood Sisters sa mansiyon ay kinunang naghuhula-hoop si Ms Dina na sinabayan naman ni Ogie at nabanggit nga ng aktres na ito ang exercise niya parati sa kanila.

Aniya, “habang nanonood ako ng ‘Blood Sisters’, ito ang ginagawa ko for 45 minutes, at bigla na lang nahuhulog na kapag nakakalimutan ko (mag-sway) kasi nadadala ako sa pinanonood ko.”

Nagulat naman si Ogie dahil hindi niya inakalang kaya pala ni Ms Dina na magpaikot ng hula-hoop sa loob ng 45 minuto.

“Subukan mo for 45 minutes,” sabi ng aktres kay Manong Bruce na kaibigan at nagpalaki kay Erika (Erich Gonzales).

Habang naghuhula-hoop sina Ogie at Ms Dina ay nakita naman sa video si Erich na naka-Agatha character dahil mahaba ang buhok at kulot na nanonood sa dalawa.

Anyway, may nakatsikahan kaming walang palyang sumusubaybay sa kuwento ng The Blood Sisters na hangang-hanga sila sa buong cast dahil pawang magagaling at kahit na baguhan palang si AJ Muhlach (Rainer) ay hindi naman nagpapahuli kina EJ Falcon bilang si Tonyo at Enchong Dee as Dr. Samuel Hechanova na boyfriend ni Dra. Carrie (Erich).

Oo nga, bagay kay AJ ang karakter na goon dahil ito naman talaga ang gusto niya, maging action star base ito sa panayam namin sa kanya nang i-launch siya ng Viva sa pelikulang Double Barrel.

Napasama rin si AJ sa La Luna Sangre bilang isa sa Moonchasers pero walang speaking lines at dahil may nakitang ilalabas naman sa pag-arte kaya kinuha siya sa The Blood Sisters ng Dreamscape Entertainment.

Feeling namin, si AJ as Rainer ang magiging katambal ni Agatha, ang pasaway na karakter ni Erich sa kalaunan.

Si Enchong naman ay kay Erika dahil napapa-smile siya ng karakter na ito ni Erich sa tuwing magkikita sila at aliw siya sa punto nito ‘pag nagsasalita ng Bisaya.

At si Dra. Carrie na isa pang karakter ni Erich ay kay Ejay o Tonyo mapupunta dahil panay ang buska nitong masungit bagay na ikinaiirita ng dalaga dahil naku-curious siya sa maginoong medyo bastos na dating ng binatang kababata ni Erika.

Opinyon lang namin ito at base lang ito sa napapanood namin.

As of this writing ay nasa number 2 slot ang The Blood Sisters sa IWant TV na may 408,033 views na sumunod sa Asintado ni Julia Montes na nakakuha naman ng 491,482 views.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …