Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Yeng Constanino

Yeng, nagpo-focus sa pagbuo ng baby

NAPA-SECOND look kami kay Yeng Constanino nang makita namin siya sa ginanap na Cornerstone Concertsmedia conference na ginanap sa Luxent Hotel nitong Lunes, Marso 5 dahil ang ganda niya at buma-bagets ang peg.

Biro nga namin kay Mrs. Victor Asuncion, ”buma-bagets ka ah, anong sekreto?” At natawa naman sa amin ang isa sa prime artist ng Cornerstone.

“Vegan kasi ako, three years na,” saad sa amin ni Yeng na 29 years old na ngayong taon. Sa totoo lang hindi siya mukhang 29 parang nasa 24-25 lang.

Tatlong taong kasal na sina Yeng at Yan (tawag kay Victor) pero wala pa ring baby kaya tinanong namin kung kailan.

“We’re trying, hoping nga po, malalaman ko,” sabi sa amin.

At ibinuking ng daldalerang si Angeline Quinto na katabi namin habang kausap namin si Yeng na, ”naku, panay-panay nga ang honeymoon nila, nag-Japan sila tapos ng El Nido pa, tapos bukas (noong Martes), magba-Balesin naman.”

“Oo, kasi habang wala pang masyadong ginagawa, try naming bumuo,” natawang sagot naman ni Yeng.

Samantala, galing ng Pinoy Dream Academy Season 1, 2006 si Yeng at tinanong namin kung wala siyang planong mag-audition sa Singer 2018?

“Noong nalaman ko iyon, honestly sinabi ko kay kuya Erickson (Raymundo) na mag-focus muna ako sa (pagbe-baby). At saka feeling ko, mas built si KZ para roon (Singer 2018) kasi nakita ko ‘yung journey niya na mas bagay talaga si KZ. Kasi sa amin (Cornerstone artists), si KZ ‘yung nakitaan ko talaga,” say sa amin.

Baka naman kasi graduate na si Yeng sa mga singing contest? ”Ay hindi naman ganoon. Siyempre ‘yung feeling ng contest for me, nakakakaba. At saka baka mas lalo akong ma-stress, hindi ako mabuntis,” mabilis nitong sagot.

Ang pinaghahandaan ngayon ni Yeng ay ang nalalapit na Divas Live II concert nila sa Smart Araneta Coliseum sa Nobyembre ngayong taon kasama sina KZ, Kyla, at Angeline produced ng Cornerstone Concerts na nagdiriwang ng 8th year anniversary.

(REGGEE BONOAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …