NGAYONG araw, Marso 9 ang simula ng pagpapalabas ng mga pelikula sa Cine Lokal at magdaraos ng FDCPFilm talks sa Sinag Maynila na suportado naman ng Solar Entertainment Corporation.
Ang mga pelikulang pasok sa Sinag Maynila ay ang Abonimation ni Direk Yam Laranas, Bomba ni DirekRalston Jover, El Peste ni Direk Richard Somes, Melodrama/Random/Melbourne! ni Direk Matthew Victor Pastor, at Tale of the Lost Boys ni Direk Joselito Altarejos.
“Hangarin ng Cine Lokal na maging plataporma para sa mga dekalidad na pelikula para maging mas abot-kamay ito sa mga Filipinong manonood at sa aming pagsuporta sa Sinag Maynila, magkakaroon ng tahanan ang mga malikhain at makabuluhang mga pelikula na mapapanood ng hindi lang ng mga mahilig sa pelikula kundi ng mas maraming Filipino rin,” pahayag ni FDCP Chairperson and CEO Liza Diño.
Higit pa rito, itatampok ng Sinag Maynila ang FDCP Film Talks @ Sinag Maynila bukas (Sabado) Marso 10 sa SM North Edsa Cinema 3 na magsisimula ng 1:00 p.m.. Isa itong libreng forum para sa mga diskusyon kung paano maitatampok ang iyong pelikula sa international film festivals at mai-distribute sa ibang bansa. Maaaring magparehistro simula 12:30 p.m. sa labas ng SM North Edsa Cinema 3.
Ang panel ay binubuo nina Jeremy Segay, Korea and South East Asia Representative ng Unifrance, Takeo Hisamatsu, Festival Director ng Tokyo International Film Festival, at ang kinikilala sa buong mundo dahil sa kanyang mga pelikula, at co founder ng Sinag Maynila, Brillante Mendoza.
Ang pakikipag-ugnayan ng FDCP sa mga film festival katulad ng Sinag Maynila ay bahagi na rin ng ika-sandaang selebrasyon ng Pelikulang Pilipino. ”This year and next year will be focused on a celebrating this milestone. We believe that this is the time to come together to commemorate this legacy, learn from our film history, and also look forward to the next hundred years.”
“Ngayon hanggang sa susunod na taon ay nakatutok sa selebrayon ng milya-milyang tagumpay na naabot ng Pelikulang Pilipino. Naniniwala kaming ito na ang pagkakataon para tayo’y magsama-sama upang ipagdiwang ang pamanang ito sa atin, matuto sa kasaysayan ng pelikula at harapin ang mga susunod pang taon ng pelikulang Filipino,” dagdag pa ni Chairperson Diño.
Huwag palagpasin ang mga pelikula ng Sinag Maynila sa lahat ng sinehan ng Cine Lokal sa Metro Manila ngayong Marso 9-15, 2018.
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lang ang Cine Lokal Facebook at iba pang FDCP social media accounts.
FACT SHEET
ni Reggee Bonoan