Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sam Milby Yassi Pressman Andrew Ivan Payawal Alonzo Muhlach Ang Pambansang Third Wheel

Ang Pambansang Third Wheel, bagong timpla na walang masyadong satsatan

ANG guwapo at ang ganda nina Sam Milby at Yassi Pressman sa pelikulang Ang Pambansang Third Wheel produced ng Viva Films at line produced ng IdeaFirst Company.

Ito ang napansin namin sa unang mainstream movie ni Direk Andrew Ivan Payawal na hindi nawawala ang ngiti nang batiin siya sa ginanap na premiere night nitong Martes sa SM Megamall Cinema 7.

Iisa ang napansin ng mga nakapanood sa pelikula, ang glossy, maayos ang mga anggulo, at lahat ng artista ay maayos ang mga kuha kesehodang nasa awkward moments sila.

Si direk Ivan din ang sumulat ng script at ang kuwento ay tungkol sa pamilya ni Yassi na sina Al Tantay at FrancinePrieto na nagkahiwalay na umaasa ang tatay na isang araw ay babalik din ang ina ng tahanan na nangyari naman sa ending.

Bagama’t sa ama lumaki si Yassi ay hindi niya naramdaman na wala ang ina dahil busog siya sa pagmamahal at pag-aasikaso.

Nakatatlong boyfriend na si Yassi pero hindi nagtatagal kaya parati siyang third wheel sa mga kaibigan niyang may mga love life.

Nakilala ni Yassi si Sam na nag-apply sa kompanya nila eventually ay kapitbahay pala niya. Nagkagustuhan ang dalawa at nagsimula ang conflict nang malaman ng dalaga na may anak (Alonzo Muhlach) sa pagka-binata ang lalaking mahal niya.

Ang amang si Al ang naging sumbungan ni Yassi ng problema niya kay Sam bukod sa mga kaibigan at ka-opisina.

Laging bilin ng ama sa dalaga, “kapag mahal mo, ipaglaban mo at huwag kang susuko!” Dahil nga pakiramdam ni Yassi ay talunan na siya dahil mas pinili ni Sam ang anak kaysa kanya.

Nang magtungo na ng Canada si Sam para samahan ang anak at ina nitong si Sam Pinto ay sinabihan siya ni Yassi, “mas masarap magmahal kapag puwede na” na ibig sabihin kapag wala ng sabit o problema sa parte ng binata.

Bumalik ng Pilipinas si Sam at pinagtiyagaang ligawan muli si Yassi at pagkalipas ng ilang linggo, base sa mga nalantang puting rosas na inilalagay ng binata sa tabi ng gate ng bahay ng dalaga ay napasagot ulit niya.

Happy ending ang kuwento ng Ang Pambansang Third Wheel at maraming magkakagusto kung kapareho ng kuwento ng buhay nina Neo (Sam) at Trina (Yassi) ang pelikula.

In fairness, walang maraming talakayan o satsatan ang pelikula na umay na umay na ang moviegoers kaya naghahanap sila ng bagong timpla dahil naniniwala pa rin ang karamihan kasama na kami na mas maganda pa rin na maraming characters ang kasama at hindi ‘yung dalawang tao lang ang nag-uusap at nagbobolahan sa kabuuan ng kuwento na pati mga lantang bulaklak at mga insekto ay tinalakay na.

Suportahan sina Sam at Yassi sa Ang Pambansang Third Wheel mula sa Viva Films at IdeaFirst Company na palabas na simula kahapon sa lahat ng sinehan.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …