Monday , May 5 2025
dead prison

Japanese nat’l nagbigti sa BI detention cell

NAGBIGTI sa tuwalya ang isang Japanese national sa loob ng comfort room ng detention building ng Bureau of Immigration (BI) sa Camp Bagong Diwa, Taguig City, iniulat ng Southern Police District (SPD) kahapon.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Kage­yasu  Mizusawa, 57, huling nanirahan sa Timpolok, Purok Thunder, Lapu-lapu, Cebu City.

Base sa report na natanggap ng Southern Police District (SPD), natagpuan ang bangkay ng biktima ng roomate niyang si Mohammad Hossain, 41, Bangladesh national, dakong 5:30 ng madaling-araw.

Sinabi ni Hossain sa pulisya, matapos siyang mag-ahit ng balbas pumasok siya sa comfort room sa loob ng detention building ng BI sa Camp Ba­gong Diwa, Bicutan, Taguig City ngunit tumambad sa kanya ang bangkay ng biktima habang nakatali sa tuwalya at nakabigti sa tubo ng shower.

Masusing sinisiyasat ng mga awtoridad ang insidente.

ni JAJA GARCIA

About Jaja Garcia

Check Also

Marikina Federation of Public School Teachers

‘Mga guro kami at ‘di kasangkapan ng politika’ — Marikina Federation of Public School Teachers

MARIIN naming kinokondena ang iresponsableng ulat na lumabas sa isang news website na gumamit ng …

Trabaho Partylist

Para sa mga apektado ng pagputok ng Bulkang Kanlaon at Bulusan
TRABAHO PARTLIST, NANAWAGAN NG CALAMITY LEAVE

MATAPOS ang pagdiriwang ng Araw ng Paggawa, nanawagan ang TRABAHO Partylist, numero 106 sa balota, …

Grupo ng mangagawa, kapanalig ng FPJ Panday Bayanihan Partylist

Grupo ng mangagawa, kapanalig ng FPJ Panday Bayanihan Partylist

ANG FPJ Panday Bayanihan Partylist, sa pangunguna ng kanilang unang nominado na si Brian Poe, …

Win Gatchalian

Gatchalian: DILG hinimok bumuo ng local literacy councils para sa mas epektibong literacy programs

NANAWAGAN si Senador Win Gatchalian sa Department of the Interior and Local Government (DILG) na …

Makati Taguig

Taguig ‘di tinanggihan naudlot na P200-B Makati subway project — Cayetano

BINIGYANG-LINAW ni Senador Alan Peter Cayetano na kailanman ay hindi tinanggihan ng pamunuan ng Taguig …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *