Sunday , November 3 2024

Peace & order enforcers numero unong manggugulo

HINDI na tayo nagtataka kung bakit mainit ang ulo ni NCRPO chief, P/Dir. Oscar Albayalde sa Manila Police District (MPD).

Noong araw ang tawag sa pulisya ng Maynila, Manila’s Finest. Ang tawag noon ay Western Police District  (WPD). Iba ang performance ng mga lespu noon — achievers.

Marami man tayong narinig na pagkakasangkot sa ilang ilegal na gawain, natatabunan ito ng mas makabuluhang pagganap sa kanilang gawain at tungkulin ng mga pulis-Maynila.

Pero ngayon, sa araw-araw na pagbabasa natin ng pahayagan, kitang-kita na malayong-malayo ang performance ng Manila Police District (MPD) sa Quezon City Police District (QCPD).

E paanong hindi?! E mayroong mga pulis ang MPD na imbes magpatupad ng peace and order, e sila pa ang nangunguna sa panggugulo.

At ang paborito nilang guluhin, ang mga establisyemento o negosyong kahit maliliit ay nagbibigay ng hanabuhay sa ating mga kababayan.

Ilan sa mga lespu na ‘yan, ang apat na pulis ng Adriatico PCP sa ilalim ng Malate Police Station (PS9).

Ang modus operandi ng nasabing mga pulis na ang isa ay may name tag na Robles, papasok sa mga resto/bar na pinupuntahan ng ilang young professionals (yuppies). Kunwari ay sasabihing  may natanggap na reklamo saka sisipat-sipatin ang mga customer.

Walang pangalawa sa kabastusan ‘yang grupo ni Robles. Bukod sa pagsipat-sipat sa mga customer, tumuntong pa sa isang silya kahit may mga customer na nakapuwesto sa isang mesa.

At ginagawa nila ‘yan habang suot ang kanilang uniporme at nakasukbit ang baril.

Nang mapansin na sinisipat ang kanilang name tag, aba biglang nagsitalikuran.

Asap na kay tatapang ng mga pulis na ‘yan, pero ang kaya lang palang sindakin ay mga simpleng sibilyan.

Hay naku, ayaw na ayaw ni Tatay Digong nang ganyan.

Bakit hindi ninyo gamitin ang mga tapang ninyo sa mga terorista?! Doon sa Marawi dapat ka­yong ipadala para doon masubukan ang mga ga­ling ninyo at tapang.

Pero huwag kayong mag-alala dahil mukhang gigil na sa inyo si NCRPO chief, P/Dir. Oca Albayalde. Malamang bigla na lang kayong ipadala sa Magunidanao o kaya ay sa Marawi.

P/Dir. Oscar Albayalde Sir, pakisipat po ang mga abusadong pulis sa Maynila.

‘Yun lang po.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *