Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
elisse mccoy mclisse

Elisse, ‘di na mapormahan ng iba

NOONG ginanap ang special screening ng pelikulang Sin Island mula sa Star Cinema, na bida sina Xian Lim at Coleen Garcia sa Dolphy Theater, ay dumalo si Elisse Joson para suportahan ang kanyang ka-loveteam at rumored boyfriend na si McCoy de Leon, na kasama sa  pelikula.

Bago ang special screening, nakausap namin si Elisse. Niloko namin siya na for the first time ay makakapanood siya ng R-16 na pelikula. Ito kasi ang ibinigay na rating ng MTRCB sa Sin Island, dahil marami ritong maiinit na eksena at may frontal nudity si Nathalie Hart.

Sabi ni Elisse na natatawa, “Magtatakip na lang ako ng mata, ‘pag may mga ganoong eksena na.”

Samantala, tinanong namin si Elisse kung may nagpaparamdam/nagpapalipad-hangin sa kanya bukod kay McCoy. Sagot niya, “Siguro kasi alam nila na nandiyan na si McCoy kaya ayun, wala na.”

Paano ba ipinakikita ni McCoy ang pagmamahal nito sa kanya?

“Si McCoy kasi lagi siyang nandiyan for me. Kung halimbawang hindi kami magkasama sa trabaho, ipararamdam niya na nandiyan pa rin siya. Lagi siyang nagti-text, tumatawag, ganoon.”

MA at PA
ni Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …