Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Clique V Live Concert, ngayong gabi na

NGAYONG gabi, February 27, Martes, sasabak na ang Clique V sa kanilang major concert sa Music Museum.

Hindi makapaniwala ang Clique V sa mahusay na pagma-manage ng 3:16 Events & Talent Management sa kanilang grupo. Pagkatapos ng launching ng kanilang album, isinabak naman sila sa concert.

“They are very hard working at talagang seryoso sila sa kanilang mga ginagawa. Makikita mo sa kanila ‘yung dedication to succeed,” deklara ng kanilang manager at Presidente ng 3:16 Events na si Len Carillo.

Ganadong tulungan at i-build up ni Ma’am Len ang Clique V dahil seryoso ang mga bagets sa ginagawa nila. Masisipag ang mga itong mag-rehearse at disiplinado.

Kahit love life ay isinakripisyo nila para mag-focus sa career. Ang mga babae ay nandiyan lang naman pero gusto muna nilang sunggaban ang opportunity na dumating.

Maraming pasabog sa Clique V Live! Concert. Inaabangan na ang ala- Magic Mike na production number ni Sean sa Viva Hot Babe na si Sheree. Kakanta rin ng solo sina Marco, Rocky, at Clay. May paandar din sa dance floor sina Tim, Josh, at Karl.

Sigurado ring maririnig ang mga kanta nila sa kanilang mga album gaya ng Pwede Ba, Teka MunaAko Na Lang SanaBakit HindiMagmula NgayonMabuti Na Lang, at Sana Naman.

Special guests sina Rita Daniela, Marion Aunor, Arny Ross, Hannah Precillas, Sexbomb Mia, Cheche, at Aira. Kasama rin ang Sexbomb New Gen at Philippine Island Assasin Dancers. Ito ay sa direksiyon ni Joven Tan. (RFC)

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …