Saturday , July 27 2024

Manager ng Clique V na si Len Carillo, desmayado kay Rocky Rivero

HINDI itinanggi ng manager ng Clique V na si Ms. Len Carillo ang pagkadesmaya  kay Rocky Rivero. Si Rocky ang dating miyembro ng all male group na Clique V na inalis na dahil sa pagiging pasaway nito.

“Na-hurt ako, na-hurt ako. Kahit sinong tao mahe-hurt, ‘di ba,” sambit ni Ms. Len.

Dagdag niya, “Dumating ako sa point na na-disappoint ako, normal naman ‘yun, tao lang ako, Siyempre nasaktan ako dahil parang anak ko na sila pero ‘yung sampung mali na ‘yun, mayroon akong isang reason na dapat hindi ko i-give up ang Clique V. Kasi, nandiyan pa ‘yung wa­long Clique V ko na marespeto sa akin, sa management and ‘yung loyalty nandiyan. Kasi alam mo for me ha, eto hindi sa pag-aano, wa­la, in general ko ‘tong sasabihin ha… kasi kung ang manage­ment ang may problema, for me siguro ang unang-unang dapat sumipa sa Clique V ang mga pioneer, ang mga original, hindi ang baguhan. For me ha, ‘yun ang thinking ko.”

Nagkamali ba siya sa de­sisyon na kunin noon si Rocky? “Hindi ko puwedeng sabihing pagkakamali, thankful nga ako na nangyari ito. Saka ako, naniniwala ako everything happens for a reason. Na feeling ko nga mahal pa nga ako ako ni Lord, kasi maaga pa lang nakita na e, nalaman na. What more kung talagang nagka­pa­ngalan na, sumikat, baka kainin na kami nang buong-buo.”

Nabanggit din niyang sa simula pa lang ay may senyales na sa pagkakaroon ni Rocky ng attitude. “Actually, pagpasok pa lang niya, mayroon na talaga. So tumino siya around September. Because, before the debut, ‘yung buong month ng September hanggang nag-birthday siya ng October 7, ang tino niya noon. Straight lahat ng rehearsals, lahat ng show, dumarating siya.”

Ano’ng hindi matino ang ginagawa ni Rocky? “May mga shows na hindi uma-attend. Halos lahat ng rehearsals, kapag may schedule sila, hindi siya on time,” saad ng lady boss ng 3.14 Talents Management.

Ganito rin ang naging pahayag ni Ms. Kim Agravante, Road Manager ng Clique V, na sinabing noong una ay okay ang trabaho ni Rocky ngunit noong bandang huli ay naging unprofessional siya.

Sa ngayon, kahaharapin ni Rocky ang asuntong ihahain ng 3.14 Talents Management. Sa­mantala, ang member ngayon ng Clique V ay sina Marco Gomez, Clay Kong, Karl Aquino, Sean de Guzman, Kaizer Banzon, Gabby Villamor, at Calvin Almojera at tuloy ang mga pinagkaka­aba­lahan ng kanilang grupo para mas maging maayos pa ito.

Bukod sa pelikulang Codep ni Direk Neal Tan, maraming projects ang nakalaan sa Clique V, pati na sa Belladonnas. Ka­bilang na rito ang bagong movie at back to back concert ng Clique V at Belladonas sa Skydome sa February 23 2019.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Junar Labrador, mapapanood sa trilogy movie sa episode na Gun Raid

Junar Labrador, mapapanood sa trilogy movie sa episode na Gun Raid

About Nonie Nicasio

Check Also

Kate Hilary Tamani

Kate Hillary Tamani, nakopo ang maraming awards sa katatapos na WCOPA sa Tate

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-TALENTED pala ang batang si Kate Hillary Tamani. Sumungkit kasi siya …

Mark Anthony Fernandez, house tour

Mark may ‘ipagmamalaki’

I-FLEXni Jun Nardo NAKITA na namin ang sinasabing sex video umano ni Mark Anthony Fernandez. Gifted …

Gerald Anderson baha ulan carina

Gerald Anderson trending, hinangaan sa kabayanihan  

I-FLEXni Jun Nardo WALA nang Richard Gutierrez na tumulong noon sa biktima ng baha at bagyo sa …

Richard Gomez

Richard iniilusyon ng mga bading na magpa-sexy uli

HATAWANni Ed de Leon NAKATATAWA may gumawa ng isang survey sa mga bading sa pamamagitan …

Nadine Samonte Richard Chua

Asawa ni Nadine na si Richard pumalag; GMA tahimik sa insidente

HATAWANni Ed de Leon ANO ang akala ninyo just just lang si Nadine Samonte kaya okey kung …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *