Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
sk brgy election vote

Barangay, SK polls tuloy sa Mayo — Palasyo

INIHAYAG ng Malacañang nitong Lunes na tuloy ang isasagawang barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Mayo, taliwas sa pahayag ni Senador Franklin Drilon na isinusulong ng mga alyado ng Palasyo sa mababang kapulungan ng Kongreso ang panibagong postponement sa eleksiyon para bigyang daan ang charter change plebiscite sa Oktubre.

Tinawag ang pahayag ni Drilon bilang “strange” at “speculative” sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, idineklara ni Senate President Aquilino Pimentel III sa isang forum nitong Biyernes na walang suporta mula sa Senado ang muling pagliban sa eleksiyon.

“So this will belie already the statement of Senator Drilon. I’m just surprised that it’s coming from a minority senator. Normally it’s a minority senator that will insist that elections will push through, but it was actually Senate President himself who informed the audience to prepare for barangay elections in May,” pahayag ni Roque sa press briefing.

Sinabi ni Pimentel nitong Lunes, na walang dahilan para hindi matuloy ang eleksiyon sa Mayo.

Ang barangay at SK elections ay orihinal na itinakda sa Oktubre 2016, ngunit iniliban sa Oktubre 2017. At pagkaraan ay itinakda ito ng Kongreso sa Mayo ngayong taon.

Samantala, naghain ng panukala si Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel na iurong ang barangay at SK polls sa Oktubre 2018, habang sinabi ni Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali, ang nasabing eleksiyon ay maaaring isabay sa May 2019 midterm elections.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia BBM Audie Mongao

Goitia: Disiplina ang Sandigan ng Republika May Tamang Lugar ang Pagtutol

Kapag ang isang aktibong opisyal ng militar tulad ni Audie A. Mongao ay hayagang nagbawi …

Sogo Employee Returns Lost Cash P400,000

Hotel Sogo Employee Selflessly Returns Lost Cash Worth More Than P400,000

  QUEZON CITY, Philippines – A Hotel Sogo Santolan employee, Mr. Raymond Tobasco, discovered a …

PDEA

Batakan tinibag ng PDEA; Operator, 3 runner tiklo sa Porac, Pampanga

BINUWAG ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Pampanga Provincial Office ang isang …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted criminal ng CamSur nabitag sa Bulacan

NAHULOG sa kamay ng batas ang isang indibidwal na nakatala bilang most wanted person sa …

Olongapo PNP Police

12 timbog sa Oplan Roulette sa ‘Gapo

ARESTADO ang 12 indibidwal nang ipatupad ng Olongapo CPS, katuwang ang Criminal Investigation and Detection …