Saturday , November 16 2024

3,500 toneladang ginto nailabas sa PH ng LP

HINDI fake news ang paratang na nakapaglabas ng 3,500 metriko tonelada ng ginto mula sa ating bansa sina dating pangulong Benigno Aquino III, Senador Leila de Lima at Franklin Drilon at ilang miyembro ng kanyang Gabinete bago matapos ang termino.

Ipinagtataka ng advocacy group na Lakap Bayan partikular si ex-Col. Allan John Marcelino kung bakit ‘nanahimik’ ang Transnational-Anti Organized Crime Intelligence Group (TAOC-IG) na nagkompirmang may sapat na ebidensiya at dokumentong magpapatunay na may ibiniyahe at naidepositong 3,500 metriko tonelada sa “Bank of Bangkok sa Thailand.”

Matatandaang sa ekslusibong panayam ng UNTV kay Dr. Galma Arcilla na director general ng TAOC-IG , ibinunyag na hindi peke ang mga dokumentong nakuha nila at kaya niyang tumayo sa korte.

Ani Arcilla: “Hindi puwedeng maging peke ‘yun dahil may mga central bank po tayo na nakatayo mismo riyan at nakahandang ibuyangyang (ibunyag) ‘yung lahat, lalo pa namin palalakasin at ibibigay pa namin ang mga ebidensiya rito.”

Kinasuhan sina Aquino III sa Office of the Ombudsman dahil sa gold shipment na nagkakahalaga ng US$141 bilyon kasama sina De Lima, Drilon, dating DILG Secretary Manuel “Mar” Roxas II, Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Amando Tetangco Jr., dating Finance Secretary Cesar Purisima at Treasury Department Chief Dealer Lorelei Fernandez pero hanggang ngayon ay hindi pa nauumpisahan ang paglilitis.

Ani Marcelino, kinasuhan sina Aquino at lima pa nina Atty. Fred Perito at testigong si Roger Cantoria na dating empleyado ng BSP para marekober ang gintong sapat na para matapos ang lahat ng proyekto ni Pangulong Rodrigo Duterte ngunit biglang binalewala ang isyu o kaso ng Malacañang at inasikaso ang pagpapakulong kay De Lima.

Ikinalungkot nga ni Arcilla ang kawalang suporta ng Malacañang dahil ilalabas sana ng TAOC-IG ang lahat ng ebidensiya sa Anti-Graft and Corruption National Summit pero isang ahensiya ang humarang sa mga alkalde na dumalo.

“Kaya nga lang noong ilabas po namin ito may isang agency halimbawa nag-file ng kaso si Atty. Perito tapos saka naman lumabas ‘yung mga advisory sa mayor na huwag umattend dito,” diin ni Arcilla.

Nakompirma ni Marcelino na nakipagsabwatan na umano ang pamahalaang Duterte sa nakaraang administrasyon ni Pangulong Aquino para ‘patayin’ ang istorya sa 3,500 metriko toneladang ginto para ‘lihim’ na makuha ng mga grupong nabanggit.

Kinondena ng Lakap Bayan ang paglalabas ng mga lider ng Liberal Party (LP) ng P200 milyong lobby money para hindi makalusot si dating DENR Secretary Gina Lopez sa Commission on Appointments.

“Napakaraming pera ng mga Dilawan lalo si Cong. Edgar Erice ng Caloocan at kasosyong si Eric Gutierrez na naglabas ng gayon kalaking halaga magpatuloy lamang ang pagwasak nila sa ating kapaligiran, at sila na ngayon ang kasosyo ng ilang negosyanteng dikit sa administrasyon ni Pangulong Duterte,” diin ni Marcelino. (HNT)

About hataw tabloid

Check Also

Bamboo Kawayan

Pamangkin hinamon ng duwelo , Tiyuhin patay sa palo ng kawayan

BINAWIAN ng buhay ang isang 55-anyos na lalaki matapos ilang ulit paluin sa ulo ng …

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

THE Department of Science and Technology (DOST) and the Wadhwani Operating Foundation have signed a …

Artist Lounge Talents MultiMedia Inc

Artist Lounge Talents MultiMedia Inc. inilunsad

MATAGUMPAY ang grand launching ng Artist Lounge Talents MultiMedia Inc., na ginanap last November 10 sa Activity …

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *