ISANG Administrative Order ang ipinalabas ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III na nag-uutos na muling ipatupad ang “total ban” sa deployment ng overseas Filipino workers (OFWs) sa Kuwait.
Ito ay alinsunod sa kagustuhan ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte matapos mabuyangyang ang sunod-sunod na reklamo tungkol sa naaabusong Pinay sa naturang bansa.
Pinakahuli ang natagpuang Pinay sa freezer na napatay sa bugbog ng kanyang amo.
Siguradong marami sa ating mga kababayan ang maaapektohan. Halos libo rin ang bilang ng mga Pinoy na umaasa sa katas ng kita sa bansang Kuwait.
Alam naman natin na isa ang Kuwait sa mga bansa sa Gitnang Silangan na nakapagbibigay ng mas mataas na sahod kompara sa Saudi Arabia, Qatar at iba pang mga bansa na langis ang pangunahing nagpapaikot ng ekonomiya.
Dahil dito, agad ipinag-utos ni POD Chief Marc Red Mariñas sa kanyang mga nasasakupan na ipatupad ang naturang Administrative Order.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap