Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Apat na shows ng Dreamscape Entertainment nangangabog sa ratings game

Sa Dreamscape pa rin, apat sa shows ng TV production unit ni Sir Deo Endrinal at Ma’am Julie Ann Benitez ang patuloy na nangangabog sa ratings game.

Siyempre given na ang “FPJ’s Ang Probinsyano” ni Coco Martin na mahigit dalawang taon na sa ere pero consistent pa rin sa pagiging number one show sa buong bansa. Humamig ng 41.5% sa national at 44.5% sa rural noong February 15 ang Ang Probinsyano.

Last Feb.14 (Valentines Day) ay puno naman ng hugot ang episode nila na nadurog ang damdamin ng TV viewers sa mismong araw ng mga puso dahil ang muling pagkikita nina Cardo (Martin) at Alyana (Yassi Pressman) ay nagmarka ng pagtatapos ng kanilang pagsasama sa nasabing action-drama series.

Umabot sa sukdulan ang pagtitiis ni Alyana para sa asawang si Cardo kaya naman nagdesisyon siyang tapusin ang kanilang ugnayan. Nangyari ito matapos malagay sa panganib ang buhay ni Alyana nang habulin siya ng mga hindi kilalang bandido at imbes si Cardo, si Marco (JC Santos) ang dumating para iligtas siya.

Sa muli nilang pagkikita ay sinariwa nila ang lahat ng kanilang masasayang alaala at maging ang kanilang pangako para sa isa’t isa. Ngunit hindi naging sapat iyon upang panatilihin pa ang kanilang relasyon dahil mas pinili ni Alyana ang kaligtasan ng kanyang buhay at pamilya.

Napapanood ang FPJ’s Ang Probinsyano pagkatapos ng TV Patrol sa ABS-CBN Primetime Bida sa Kapamilya network.

Tatlo pa sa malalakas ang ratings na tinututokan ng kanilang avid viewers ay “Asintado” nina Julia Montes, Shaina Magdayao, Paulo Avelino at Aljur Abrenica.

Noong 15 Pebrero sa national ay 16.5% ang nakamit nila at 18.8% naman sa Metro. Hindi rin pinagsasawaang panoorin ng maraming Pinoy ang “The Good Son” na nakasentro ang kuwento sa magiging kapalaran ni Calvin (Nash Aguas) sa krimeng kinasasangkutan sa kanyang stepfather na si Victor Buenavidez (Albert).

Sinabihan siya ng kanyang Kuya Joseph (Joshua Garcia) na kung ano ang tama ay ‘yun ang gawin para sa kanilang ama na namatay sa lason.

Sa episode nila last February15 ay nagtamo ang The Good Son sa national ng rating na 20.2% at 24.5% naman sa Metro. Umeere ang The Good Son weeknights after La Luna Sangre ng KathNiel.

Sobrang lakas din ng ratings ng LoiNie love team na sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte na bumibida sa Wansapanataym sa episode na “Gelli In A Bottle.”

Last February 11 ay umabot sa 32% ang kanilang rating at patuloy silang tutukan ngayong Linggo pagkatapos ng Goin Bulilit.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …