Saturday , November 16 2024

Journalist hinarang sa Palasyo (NUJP umalma)

KINOMPIRMA ni Communications Undersecretary for Media Relations Mia Reyes na ban sa presidential coverage si Rappler reporter Pia Ranada.

Sa chance interview sa Palasyo kahapon, sinabi ni Reyes na nakatanggap sila ng direktiba mula sa Presidential Security Group (PSG) na hindi na maaaring papasukin si Ranada sa Malacañang at iba pang presidential engagements sa labas ng Palasyo.

Tumanggi si Reyes na tukuyin kung saan nagmula ang utos ng PSG.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, inihayag sa kanya ni Executive Secretary Salvador Medialdea na bawal sa lahat ng presidential events si Ranada hang­ga’t walang nakukuhang temporary restraining order (TRO) ang Rappler sa desisyon ng Securities and Exchange Commission ( SEC) na kanselado ang operasyon ng online news site dahil ito’y mayoryang pagmamay-ari ng dayuhan.

Itinadhana sa Saligang Batas, ang media entity sa Filipinas ay dapat Filipino ang mayoryang may-ari.

Ayon kay Roque, puwedeng mag-apply na miyembro ng Foreign Correspondents Association of the Philippines (FOCAP) si Ranada dahil dayuhan ang may-ari ng Rappler.

Ang sinomang reporter na nakatalaga sa Palasyo ay kailangan makakuha ng akreditasyon sa Presidential Communications Operations Office (PCOO) bago payagan sa presidential coverage at maging kasapi ng Malacañang Press Corps.

Giit ni Roque, fake news ang inilathala ng Rappler na nagdawit kay Special Assistant to the President (SAP) Christopher “Bong” Go sa P15.7 bilyong Philippine Navy frigate project.

ni ROSE NOVENARIO

NUJP UMALMA

NAKAHIHIYA si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpapakita ng “extreme pettines” sa pag-uutos na harangin si Rappler reporter Pia Ranada sa pagpasok sa Malacañang Palace, isang araw makaraan akusahan ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go ang nasabing news outfit, at ang Philippine Daily Inquirer sa paggawa ng “fake news” hinggil sa umano’y pag­kaka­sang­kot ng SAP sa kontrobersiyal na frigate acquisition deal, imbes mag-ulat hinggil sa magagandang bagay.

Ito ang tahasang pahayag ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) kahapon.

“Duterte’s belligerence no longer surprises us. But the depth to which he can stoop to unleash the awesome power of his office against individuals with whom he disagrees is, to say the least, appalling and extremely unbecoming of his office. He has acted much like petulant child throwing a fit,” ayon sa NUJP.

“More disturbing, however, is that Duterte’s peevishness displays a sinister side of his persona that does not bode well at all for the already uncertain health and future of democracy in our benighted country.”

Ayon sa grupo, muli na namang humaharap ang bansa sa isang lider na nakikita ang kanyang posisyon bilang kanyang pag-aari na ibinabahagi niya sa malalapit sa kanya.

Wala umanong pag-aatubili ang pangulo sa lantarang pagpapatahimik sa mga hindi sumasang-ayon at mga kritiko, inakusahan ang independent press ng pagiging peke bagama’t wasto ang kanilang pag-uulat hinggil sa kanyang mga aksiyon at mga pahayag, na ang ilan anila ay napatunayang tsismis lamang, na bumabalik anila sa kanya.

“Once again, we are faced with a leader who apparently sees his position as an entitlement that extends to those closest to him, one who has shown no qualms about openly wishing to silence dissent and criticism, accusing the independent press of fakery when their accurate reportage of his actions and utterances – a number of which have been la-ter established to be outright canards or statements bordering on the criminal – boomerang on him.”

Hindi anila tama na hinahayaan ng Senado na sila ay gamitin bilang platform para kay Go sa pagbatikos sa media imbes busisiin ang seryosong alegasyon hinggil sa mga bagay na makaaapekto sa pambansang seguridad.

“It is bad enough when the Senate allows itself to be used as a platform for Go to rail against media instead of getting to the bottom of serious allegations on matters affecting national security, for which we also say, shame on you.”

Anila, kapag ang pinakamataas na opisyal ng bansa ay piniling personal na gantihan ang isang indibiduwal, journalist o media outfit, ito ay malinaw na pagpapahiwatig na ang sinoman ay dapat mag-ulat ng kung ano ang kanyang nais.

“But when the highest official in the land chooses to wage a personal vendetta against an individual, whether a journalist or a media outfit, it sends a clear and chilling signal that everyone else better report only what he wants you to or else.”

“This, to say the least, is anathema to democracy. But then again, hasn’t he openly bragged about being – or wanting to be – a dictator?”

Gayonman, sinabi ng grupo na hindi nila palalagpasin ang ganitong pag-atake sa press freedom at sa karapatan ng mamamayan sa impormasyon, na ginawa anila mismo ng pangulo.

“Nevertheless, we are heartened by the certainty that no self-respecting and independent Filipino journalist will allow this outright assault on press freedom and the people’s right to know from the president himself, pass unchallenged.”

Nananawagan ang NUJP sa mga kapwa mamamahayag na magkaisa at tutulan ang pag-aalipustang ito at ipagpatuloy ang paglaban sa anomang tangkang pagdikta sa mga dapat na iulat.

“We call on all colleagues to unite and reject this outrage and to continue resisting all attempts to dictate what we can and should report. We owe this to our profession, we owe this to the people, we owe this to the nation.”

 

About Rose Novenario

Check Also

Bamboo Kawayan

Pamangkin hinamon ng duwelo , Tiyuhin patay sa palo ng kawayan

BINAWIAN ng buhay ang isang 55-anyos na lalaki matapos ilang ulit paluin sa ulo ng …

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

THE Department of Science and Technology (DOST) and the Wadhwani Operating Foundation have signed a …

Artist Lounge Talents MultiMedia Inc

Artist Lounge Talents MultiMedia Inc. inilunsad

MATAGUMPAY ang grand launching ng Artist Lounge Talents MultiMedia Inc., na ginanap last November 10 sa Activity …

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *