Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nakabuntis na Hashtags, kinilala na

KINUHA namin ang reaksiyon ni McCoy de Leon tungkol sa dalawang kasamahan niya sa grupo nilang Hashtags ang umano’y nakabuntis.

Pero hindi pa pinapangalanan kung sino ang mga ito.

“Para sa akin po, hindi ko masiguro kasi wala pa rin akong ebidensiya pa talaga. Pero kung sakaling totoo, alam kong paninindigan nila. Kilala ko kasi sila, lahat ng kagrupo ko,” sabi ni McCoy nang makausap namin sa special screening ng  Sin Island na showing na ngayon sa mga sinehan.

Pero part ba sa rules ng pagiging Hashtags ang bawal ang makabuntis?

“Hindi ko po sure ‘yung eksaktong pinakapatakaran. Pero ang alam ko lang, ‘yung discipline kumbaga, ‘yun ang ipinapa-priority sa amin. Siyempre ‘yung image rin po, public figure po kami, siyempre bilang inspirasyon kami (ng kanilang mga tagahanga), dapat good example kami.”

Kung halimbawang makabuntis siya accidentally, ano ang gagawin niya? Paninindigan niya ba ang babaeng nabuntisan niya?

“Siyempre, paninindigan ko po kasi blessing ito mula sa Panginoon,”

Samanta, tinanong namin si McCoy na kung aware ba siya sa pornhub bilang isang teen-ager.

“Naririnig ko lang po ‘yun sa mga kagrupo po. Hindi ko po alam kung ano ‘yun,” ang natatawang sagot ni McCoy.

So,  hindi siya nanonood ng porn?

“Hindi po,” natatawang sagot ulit ni McCoy.

MA at PA
ni Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …