Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Art Atayde Sylvia Sanchez

Art Atayde dalawang beses niyaya sa concert date ang aktres na si Sylvia Sanchez noong Valentine’s Day (‘Di nagbabago ang love sa misis na aktres!)

KUNG hindi kami nagkamamali, dalawang dekada nang kasal sina Sylvia Sanchez at businessman husband na si Mr. Art Atayde.

At kahit matagal na panahon nang nagsasama ang dalawa ay hindi talaga nagbabago ang love at respeto ni Art kay Sylvia na last Valentine’s day ay dalawang beses nityang niyaya niyang sa date ang magandang misis.

Una sa pre-valentine concert ng Icon singer sa Hollywood na si Dionne Warwick sa Grand Ballroom ng Solaire Hotel. Love daw ng mag-asawa ang music ni Dionne gaya ng 1979 hit song nitong “I’ll Never Love This Way Again” at “That’s What Friends Are For” na sumikat naman noong 1985.

Sumunod na date ng mag-asawa ay pinanood nila ang SRO “Timeless OPM” concert nina Rico J. Puno, Imelda Papin, Claire dela Fuente at Rey Valera sa Newport Performing Arts sa Resorts World Manila at bentang-benta kay Sylvia ang mga green jokes ni Rico J kaya nag-enjoy silang pareho sa show.

By the way sa recent interview sa actress na bida sa top rating afternoon teleserye na “Hanggang Saan” ay sinabi niyang mahal niya ang kanyang asawang si Art at hindi man siya perfect na wife ay nagagampanan pa rin daw niya ang obligasyon niya sa very loving at supportive na hubby.

Wow, wala talagang kupas ang asim at kilig ng relasyong Sylvia at Art.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …