Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Xian Lim Elmo Magalona Sin Island Sinilaban Island My Fairy Tail Love Story

Xian, pinagnasaan ng mga estudyante; ‘Chubby abs’ ni Elmo, pinanggigilan

GOING back to Sin Island ay word of mouth ang nangyari kaya pinilahan ito kinagabihan hanggang nitong Huwebes at Biyernes lalo na sa mga nasabik sa sexy films.

Yes  Ateng Maricris, narinig naming pinag­kukuwentuhan ang eksena nina Xian at Nathalie sa Sinilaban Island o Sin Island na all out ang sexy star.

Ang daming nagnasa kay Xian na estudyante, yes estudyante ang narinig naming nagkukuwentuhan at talagang nakapasok sila considering mga high school students sila at R-16 ang pelikula kaya hindi namin alam kung paano sila pinapasok sa sinehan.  Hindi na namin babanggitin kung anong sinehan ito pero sigurado kami dahil nandoon kami sa mall na iyon.

Hindi namin puwedeng sitahin ang takilyera na hindi nanghingi ng ID at birth certificate ng mga estudyante dahil hindi pa naman ini-renew ang MTRCB Deputy Card  namin, kaya sana ‘yung ibang may deputy card, pakibantayan ang mga mall na madalas tambayan ng mga mag-aaral.

Samantala, may nakita naman kaming pamilyang nanood ng My Fairy Tail Love Story na pinagkukuwentuhan nila habang kumakain sila ng dinner na nakasabay namin sa isang restaurant.

Nag­de-debate ang tatlong dalagitang anak na pinag-uusapan ang pagiging sirena ni Janella na dapat bumalik sa pagiging tao sa ending ng movie. Sabi naman ng isa pang anak na binago kasi ang kuwento at say naman ng medyo bata pa, ”I luv it, especially Elmo, I like his chubby abs.”

Ha, ha, ha may bagong term tayong natutuhan ateng, ‘chubby abs.’

Kaya simula ngayon, ang magiging tawag na namin sa mga lalaking puro baby fats ay chubby abs na.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …