Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Paolo Ballesteros at Yam Concepcion nag-enjoy sa isa’t isa

IPINAHAYAG ng mga bida ng pelikulang Amnesia Love na sina Paolo Ballesteros at Yam Concepcion na nag-enjoy silang katrabaho ang isa’t isa sa project na ito ng Viva Films na ipalalabas na sa mga sinehan sa February 28.

Sa pelikula, makikita na naaksidente si Paolo at napadpad sa isang isla na roon nakatira sina Yam at ang pamilya. Nang magkamalay, may amnesia na si Paolo na mula sa pagiging gay ay magiging lalaki ang pagkatao niya.

Kamusta ang pagtatrabaho nila sa pelikulang ito?

Esplika ni Pao, “Nagkasama na kami ni Yam sa Bakit Lahat Ng Guwapo May Boyfriend, pero siya ‘yung partner ni Dennis (Trillo) at doon pa lang ay nakita ko na si Yam ay professional at ganoon din ang nangyari rito sa movie namin.

“Kasi, shinoot namin ‘yung movie sa island e, sa beach. So, malayo ‘yung bihisan, malayo ‘yung pagsi-CR-an, pero wala siyang arte sa katawan… masarap siya katrabaho.”

Saad ni Yam, “Si Pao rin, sobrang masarap siyang makatrabaho. Pero at first ay medyo na-intimidate ako. Napanood ko iyong pelikula mo na Die Beautiful at iyon, dahil may idea ako na ganoon, minsan ay nanliliit ka.”

Kumusta naman ang kinalabasan ng tukaan nila ni Paolo?

Wika ng aktres, “Nahiya ako sa kanya (sa kissing scene), pero okay lang, inalagaan din naman niya ako sa eksena.”

Masarap bang mag-kiss si Paolo?  ”Oo masarap, malambot iyong lips niya,” nakatawang saad ni Yam. Dagdag niya, “Masarap siyang katrabaho, kasi hindi lang may leading man ka, pero may taga-ayos ka pa, kasi ay inaayos niya ‘yung hair ko. Tapos sinasabi niya na okay ‘yung outfit ko, so, masaya.”

Reaction dito ni Pao, “Masarap, pero siyempre ay nailang pa rin ako sa kissing scene namin, kasi acting-an e, alam mo iyon? Kasi ay may camera at kinukunan.”

Nabanggit din ni Pao ang naging character niya nang napadpad na sa isla. “Oo lalaki ako roon, pero mayroon pa ring pitik, mayroong ganoon e, hindi iyon maitatago,” nakatawang saad ng isa sa Dabarkads ng Eat Bulaga.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …