Tuesday , April 29 2025

Noo ng deboto nalapnos sa Ash Wednesday (Sa Caloocan City)

NALAPNOS ang noo ng ilang deboto makaraan makaramdam ng init mula sa ipinahid na abo sa San Roque Cathedral sa Caloocan City, nitong nakaraang Ash Wednesday.

Ayon sa ulat, nagreklamo ang mga debotong sina Mae Aldovino at Dave Peciller, mahigit dalawang dekada nang nagsisimba sa naturang katedral, na nalapnos ang kanilang noo.

“Right after napahiran kami ng abo, may naramdaman kaming init. Naisip namin maybe it’s time to confess. And then after an hour may init pa rin kaming naramdaman,” sabi ni Aldovino.

Sumama ang pakiramdam ni Peciller nang alisin ang abo sa noo.

“Nilalagnat ako. Sumama ‘yung pakiramdam ko. Nagsimba nga tayo dahil Ash Wednesday. Sana may aksiyon ang simbahan sa nangyaring ito,” ayon kay Peciller.

Aminado ang pamunuan ng San Roque Cathedral sa insidente maka­raan pumunta ang ilan pang deboto na nagreklamo ng pangangati o pag­kasugat sa kanilang noo matapos lagyan ng abo.

Naapektohan din ang mga bata dahil nag-school-to-school ang simbahan.

“Noong nalaman namin ‘yon, actually pinapalitan na namin ang ashes. Kaso naibigay din sa ibang schools ng mga lay minister. Hindi naman talaga namin ninanais na itong unang araw ng Kuwaresma ay magkaganito ‘yung nangyari. We really apologize to all who have been affected on what should have been a holy and solemn occasion,” ayon kay Fr. Jero-nimo Cruz, Rector, San Roque Cathedral Parish.

Ipinasuri ng simba-han sa laboratory ang abong ginamit habang patuloy ang kanilang imbestigasyon sa insidente.

Nagbigay rin ang simbahan ng first aid sa mga nalapnos ang balat. Pupuntahan din nila sa mga paaralan ang mga bata na pinahiran ng abo.

Maaaring pumunta sa simbahan ang mga na-lapnos ang balat para sila’y maipagamot o ma-reimburse ang ang nagastos sa pagpapagamot.

Ayon sa pamununan ng San Roque Cathedral, tinitiyak nilang ginagawa nila ang lahat para hindi na maulit ang insidente.

(ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Ramil Ventenilla Michael Mon Rosette Punzal Kenaz Bautista

Isinangkot sa mga kaso ng katiwalian
Mangatarem Mayor, VM, at municipal accountant  inireklamo sa Ombudsman

NAHAHARAP sa patong-patong na kaso sa Tanggapan ng Ombudsman sina Mangatarem, Pangasinan Mayor Ramil Ventenilla, …

TRABAHO Partylist 106

TRABAHO Partylist, isinusulong ang karapatan ng manggagawa sa pagsalubong ng Labor Day 2025

Sa paglapit ng pagdiriwang ng Araw ng Paggawa sa Mayo 1, muling iginiit ng TRABAHO …

Malabon City

Kapag hindi nakalusot sa Comelec
Deskalipikasyon vs Sandoval posible

NANGANGANIB na madeskalipika o malagay sa bingit ng alanganin ang kandidatura ni Malabon re-electionist Jeannie …

Isko Moreno Manny Pacquiao

Anak ng Mahirap at Batang Maynila
Manny Pacquiao at Isko Moreno nagsanib-puwersa sa kampanya

BASECO, MAYNILA — Nagsanib-puwersa si senatorial candidate Manny Pacquiao, na kilala bilang “Anak ng Mahirap” …

Aiko Melendez

Aiko umalma pinagbintangan sa baklas tarpaulin ng isang kongresista

MA at PAni Rommel Placente PINARARATANGAN sI Aiko Melendez na siya ang nag-uutos na baklasin ang mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *