Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marion Aunor, ganap na Viva artist na!

ISANG ganap na Viva artist na ang talented na singer-composer na si Marion Aunor. Ayon sa panganay ni Ms. Lala Aunor, excited na siya sa mga nakatakda niyang gawin sa kanyang bagong management team. “Excited and grateful po ako sa bagong chapter na ‘to. Excited na rin po ako na marinig ng people ‘yung bagong music ko.”

Ano ang mga inaasahan mong gagawin sa Viva?

Sagot ni Marion, “Theme song po ng movie na Ang Pambansang Third Wheel (starring Yassi Pressman at Sam Milby) and an EP album. Then sa future po, posible rin na may acting project.”

Kailan pa natapos ang contract mo sa Star Magic/Star Music? “Natapos po ang contract ko, 2016 pa po. Pero nagpaalam po ako ng 2017,” pakli niya.

Dagdag niya, “Bale ang plano ko po sa Viva, with Boss Vic’s advise, mas mag-focus more on Tagalog songs, different from the international sound I got used to. I actually already tried writing one, entitled “Ikaw Pa Rin Ang Pipiliin Ko.” I felt challenged, but I told myself I could do it. Medyo ninenerbiyos ako when I turned it in, nasa isip ko kasi na ‘yung Tagalog lyrics ko weren’t good enough. but it turns out, everyone really liked it, okay naman pala siya.”

Iyong kay Leila Alcasid na album, tuloy pa rin ba iyon sa Star Music? “Iyong kay Leila, two singles po ang under sa akin including iyong lalabas niya na single ngayon na Completely in Love.

“Sa Star Records naman po, hindi naman goodbye, makikipag-work pa rin naman po ako sa kanila, e. Bale, per project basis na lang po ako roon sa Star.”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …