NOMINADO ang young Kapuso actor na si Miggs Cuaderno sa 34th Star Awards for Movies ng Philippine Movie Press Club (PMPC) na gaganapin sa Resorts World sa February 18. Pasok si Miggs sa Best Supporting Actor category para sa pelikulang Ang Guro Kong ‘Di Marunong Magbasa na tinampukan ni Alfred Vargas at mula sa pa-mamahala ni Direk Perry Escaño.
“Napakasaya ko po na napasama ako sa mga veteran at kilalang actors ng Filipinas sa age ko pong 13. Nominated pa lang po, parang nanalo na ako at malaking karangalan po talaga at fulfillment po iyon sa akin,” saad ni Miggs.
Ipinahayag niya na magka-halong saya at lungkot ang naramdaman dahil yumao na ang mentor/manager niyang si Direk Maryo J. delos Reyes. Kung buhay pa si Direk Maryo, ano sa tingin mo ang mafi-feel niya sa nomination mong ito?
Sagot niya, “Matutuwa po si direk Maryo J. kung nabubuhay pa siya, kasi gusto na po niya ako ipakita na bilang binatilyo na. Sayang nga po at mukhang hindi na matutuloy ang movie namin ni direk.”
Ano ang reaction mo na kalaban mo sina Nonie Buencamino, Enrique Gil, Xian Lim, Joseph Marco, Arnold Reyes, at iba pa? “Sobrang saya po ako kasi magagaling na actor ang kasama ko at mga stage actors din po. Mataas po ang pagtingin ko sa kanila at hina-hangaan ko po sila, kasi ang gagaling po nila… napanood ko po ang mga pelikula nila.”
Nabanggit din niya ang mga naunang awards na natamo. “Nanalo na po akong Best Supporting Actor sa Cinemalaya noong 9 year old ako sa Childrens Show. Nag-Best Actor din po ako sa Paris, France para naman sa Quick Change.
First time po sa PMPC Star Awards na ma-nominate bilang best Supporting Actor,” saad ni Miggs na napapanood sa Kambal Karibal at GMA-7 cartoon series na Yokai bilang boses ni Keita.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio