Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Paolo, type maka-intimate sina Piolo at Mark sa pelikula

NAGING running joke sa presscon ng Amnesia Love ang no holds barred story ng singer na si Mark Bautista sa libro nitong Beyond the Mark na malapit nang mabili sa bookstore.

At dahil ang isa sa topic sa nasabing libro ay ang pagkakaroon ni Mark ng ‘bromance’ sa kanyang kaibigan.  Kaya tinanong si Paolo Ballesteros kung may plano rin siyang maglabas ng libro.

“Mayroon, pero tungkol lahat sa make-up transformation parang coffee table,” saad ng aktor.

Ang ibig tukuyin ng nagtanong ay tungkol sa pagkatao ni Paolo, ”ay hindi, at saka kung ano ‘yung nakikita sa akin, wala naman na akong ilalabas pa,” kaagad nitong sagot.

Pinoprotektahan kasi ni Pao ang anak niyang babae kaya wala siyang planong maglabas ng tulad ng Beyond the Mark.

May nakarelasyon na ba si Paolo sa showbiz? ”Define relasyon? Intimate? Wa-la,” sabi ng aktor.

Kahit one-night stand o dala ng kalasingan, ”maski hindi nakainom, mas maganda ‘yun.”

Nakailang gay role na si Paolo sa pelikula wala ba siyang planong tumanggap ng papel na tunay siyang lalaki?

“Puwede rin naman.  Kaso kung doon (gay role) naman ako magaling, doon ako effective. Magpapakalalaki nga ako kung hindi naman ako effective, ‘di ba?” saad ng leading man ni Yam Concepcion sa Amnesia Love.

Okay ba sa kanya kung may romantic scene sa pelikula na pareho niyang gender? ”Aba, eh, okay ‘yun, siyempre!” kaya nagtawanan ang lahat ng kausap nitong entertainment editors, writers, at bloggers.

Tinanong namin kung sino naman ang gusto niyang makasama sa pelikula kung may leading man siya? ”O ‘di si Piolo (Pascual,” kaswal nitong sabi, ”at isama na rin natin si Mark (Bautista) kiyeme.” Hagalpakan ang lahat sa sinabi ng aktor.

Balik-tanong ni ex-SPEED president, Isah V. Red, ‘ano ‘yan, love triangle?’

“Puwede, oo why not?” tila nanunuksong sagot ni Paolo.

Kung ganoon, anong titulo ng pelikula nila nina Piolo at Mark? ”Tatsulok!” sagot namin na nagamit na ito rati sa pelikula (Amanda Page, Elizabeth Oropesa, at Albert Martinez-1998).

“Ay nagawa na ba ‘yun? Eh ‘di tatso-lok (pabaklang bigkas),” natatawang sabi ni Paolo na mas lalo pang umalingawngaw ang tawanan ng mga kaharap niya sa venue ng presscon.

Okay lang ba kay Paolo na mag­karoon ng intimate/love scenes sa mga makakasama niya sa pelikula, ”ready ba sila?” one-liner ni Paolo,”ready tayo riyan.”

Gaano ka-intimate ba, ”personal level, echos!”

All the way daw ba, ”eh, tanungin muna sila (Piolo at Mark) baka hindi sila payag.”

May make-up transformation din ba si Paolo sa movie nilang tatlo, ”basta sila rin,” natawang sabi ng aktor.

At tanging nasabi na lang namin, ‘hala, lagot!’

May plano ba si Paolo na bumili ng librong Beyond the Mark, ”ide-deliver ba niya (Mark) sa akin? Kasi siyempre para may autograph.”

Hayan Mark Bautista, sobra-sobrang libreng promo na ng libro mo dahil naging running joke na siya sa lahat ng umpukan sa lahat ng showbiz events.

Bukod kina Paolo at Yam ay kasama rin sa Amnesia Love sina Lander Vera Perez, Maricel Morales, Polo Ravales, Vandolph Quizon, Geleen Eugenio, at Sinon Loresca produced ng Viva Films na idinirehe ni Albert Langitan na mapapanood na sa Pebrero 28.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …