BAGAY na bagay sa comedian/host na si Arnell Ignacio ang kanyang bagong posisyon sa pamahalaang Duterte at ito ay ang pagiging Administrador ng OWWA dahil likas sa kanya ang pagiging matulungin sa kapwa kahit noong artista pa lang ito at wala pang posisyon sa gobyerno.
Naaalala pa namin ang mga kuwento patungkol kay Arnell na nagpapakain sa mga batang kalye sa Quezon Avenue kapag dumadalaw sa Music Box na kanyang pinagmulan.
Kaya naman swak na swak si Arnell sa bago niyang posisyon dahil tunay na may puso siya sa ating mga OFW na itinuturing na bayani.
MATABIL
ni John Fontanilla