Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Valentine show nina Kuh at Kris, postponed

POSTPONED ang pre-Valentine show na Love Matters concert nina Kuh Ledesma at Kris Lawrence kasama sina Isabella Ledesma at Gabby Concepcion na gaganapin sana sa ABS-CBN Vertis Tent, Quezon City sa Pebrero 13.

Sa isang mediacon ay pinag-uusapan ng online writers at bloggers ang tungkol sa pre-Valentine show nina Kuh at Kris na cancelled daw.

Sa pakiwari namin ay marami kasi ang magko-concert ngayong Pebrero at dahil sa mahal ang ticket ay pili na lang ang pupuntahan ng concert-goers.

Simula palang ng Pebrero 8 at 9 ay may show na ang The Philippine Madrigal Singers, Nicole Asencio, RLSSA Chamber Orchestra, at Freshmen sa Music Museum na may titulong All We Need is Love- Love is All We Need; Pebrero 10, A Night of Love, An Evening of Opera Love Songs and Duets; Pebrero 13 at 14 Dionne Warwick sa Solaire Grand Ballroom (Solaire Resort & Casino); Love Wins ni Joanna Ampil sa Pebrero 14, Globe Auditorium, Maybank Performing Arts Theater, BGC Arts Center; This Is Us nina Aiza Seguerra at The Company sa Pebrero 13/14 Music Museum; Love in Motion ni Gary V sa Sangri-La Fort sa Pebrero 14 at marami pang iba.

In fairness, marami pa rin ang hindi nakalilimot sa mga classic song ni Ms. Kuh, isa na kami na naging paborito namin lahat noong College days.

Anyway, baka kasi depende sa guests o baka naman gusto ng tao ngayon ay ‘yung mapapasayaw sila nang husto dahil gusto nila ng masayang tugtugan at hindi ‘yung uupo lang at makikinig.

Tinanong namin ang publicist ng Love Matters concert na si Tinnie Esguerra at inamin sa amin na ire-reschedule ito.

“We’re coming out with an official announcement. No date yet that’s why,” mensahe nito sa amin.

Walang ibinigay na dahilan si Tinnie kung bakit postponed ang show.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …