Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Meet Me In St. Gallen, mala-Kita Kita ang istorya

INAABANGAN ng mga kababayan nating Pinoy sa ibang bansa ang pelikulang Meet Me In St. Gallen dahil base sa trailer ay maganda, mala-Kita Kita ang dating. Kaya tinatanong kami kung ipalalabas ito sa ibang bansa.

Tinanong namin ang publicist ng Spring Films at Cornerstone Entertainment na si Caress Caballero kung ipalalabas sa ibang bansa ang pelikula nina Carlo Aquino at Bela Padilla.

“Will ask po,” sabi sa amin.

As of this writing ay wala rin kaming alam kung may international release ang Meet Me In St. Gallen dahil sa Pebrero 7 pa ang showing dito sa Pilipinas at doon palang magde-decide ang Spring Films at Viva Films kung ipalalabas ito sa ibang bansa.

Ganito rin naman ang nangyari sa Kita Kita ‘di ba, Ateng Maricris?

Anyway, pawang magaganda ang naririnig naming feedback sa pelikulang Meet Me In St. Gallen dahil ano ang kuwento nina Carlo at Bela at higit sa lahat, curious ding makita ang kagandahan ng Christmas Village na binanggit sa pelikula.

Tulad nga ng sinabi ni direk Joyce Bernal na isa sa Spring Films producer, ipinakita nila ang cathedral na Abbey of St. Gallen na isang UNESCO World Heritage Center na puntahan ng mga turista kapag nagagawi sa Swtizerland.

Noong una naming marinig ang St. Gallen ay talagang ni-research namin ito kung saan dahil nga sa sa titulongMeet Me In St. Gallen at bakit doon pa, eh, ang dami namang cathedral na magaganda rin sa ibang bansa o rito sa Pilipinas.

Anyway, aalamin natin ‘yan Ateng Maricris kung bakit sa Abbey of St. Gallen magkikita sina Carlo at Bela?  Roon din kaya sila ikakasal?

Ang Meet Me In St. Gallen ay mula sa direksiyon ni Irene Villamor na nakilala dahil sa pelikula niyang Camp Sawi nina Sam MIlby, Yassi Pressman, Bela, Arci Munoz at marami pang iba produced ng Viva Films.

FACT SHEET!
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Jaime Yllana Anjo Yllana

Anjo pinayuhan ng anak: at the end of the day he’s my Dad

MATABILni John Fontanilla NAIINTINDAHAN ng newbie actor na si Jaime Yllana ang kanyang ama na si Anjo Yllana sa …

Vice Ganda Nadine Lustre Christophe Bariou

Nadine Mr Right si Christophe

MATABILni John Fontanilla MAITUTURING ni Nadine Lustre na Prince Charming ang boyfriend na si  Christophe Bariou. Sa vlog …

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …