INAMIN ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar ang kanilang pagkamamali sa nailabas na sa fake news sa Philippine News Agency (PNA) at Philippine Information Agency (PIA).
Sa pagdinig ng Senate Committee on Public Information and Mass Media, na pinamumunuan ni Senadora Grace Poe, hindi itinanggi ni Andanar ang pagkakamali ng kanyang ahensiyang pinamumunuan, sa paglalabas ng maling impormasyon o balita.
Ngunit iginiit ni Andanar, inayos na ang mga pagkakamali at mas lalo nilang pinagbuti ang kanilang paghahatid ng ba-lita sa pamamagitan ng PTV 4, PNA at Radyo Pilipinas.
Sa naturang pagdinig, ipinakita ni Andanar sa power point presentation ang mga pagbabagong ginawa sa loob ng PCOO.
Magugunitang mismong si Andanar ay naglabas noon ng fake news laban sa Senate media, na sinasabing tumanggap tig-$1,000 dollars bawat isa mula kay Senador Antonio Trillanes IV, na mariing itinanggi ng mga mamamahayag.
(CYNTHIA MARTIN)