Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ross, pinagmulta: Mga opisyal, suspendido

NAGPATAW ng multa at suspensyon ang Philippine Basketball Association sa mga personalidad na sangkot sa free throw fiasco na tumapok sa kontrobersyal na pagtatapos ng 100-96 tagumpay ng Ginebra kontra San Miguel sa 2018 PBA Philippine Cup kamakalawa.

Tumatagintin na P20,000 na multa ang ipinataw kay Chris Ross ng San Miguel bunsod ng paglalahad ng ‘di angkop na pahayag na makakasira sa liga.

Dagdag pa rito ay nakatanggap rin siya ng P5,800 dahil sa kanyang dalawang technical fouls.

Nasuspinde rin ang apat na opisyal sa naturang laro na sina Mardy Montoya, Noy Guevarra, Jerry Borja at Jimmy Mariano gayundin ang book scorer na si Lito Mendegoria at coliseum barker na si Noel Zarate.

Magugunitang sa huling 4.5 segundo ng laro, itinira ni Ross ang free throw na para dapat sa kakampi niyang si Chico Lanete. Bunsod nito, natawagan siya ng technical foul ayon sa batas ng liga dahil sa “deliberately taking the place of a designated shooter.”

Binatikos at kinontra ito ni Ross dahil aniya ay ang mismong referee na si Guevarra ang nagbigay sa kanya ng bola at binanggit din aniya ng barker ang kanyang pangalan para sa free throws.

Sa gitna nito, inamin ng PBA pagkatapos mismo na may mali rin ang kanilang mga opisyal ngunit nanindigan sa itinawag na technical free throw dahil anoman ang mangyari ay alam naman ng manlalaro kung sino ba talaga ang dapat na titira ng free throw.

Napatawan din ng P5,000 multa si Troy Rosario ng TNT dahil sa landing spot infraction kontra sa Magnolia noong nakaraang Sabado.

ni JOHN BRYAN ULANDAY

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Bryan Ulanday

Check Also

POC Bambol Tolentino PhilCycling Dato' Amarjit Singh Gill

12 bansa kumpirmado na para sa Asian track championships sa Tagaytay CT Velodrome

BUMALIK sa Pilipinas ang ika-45 Asian Cycling Confederation (ACC) Track Championships matapos ang 31 taon, …

PSC Pato Gregorio NGAP

Asian Tour Series PH Leg sa Pebrero na

ALINSUNOD sa malawakang kampanya ng pamahalaan para sa sports tourism, pangungunahan ng Philippine Sports Commission …

Boracay Platinum International Open Water Swim Race

Boracay Platinum International Open Water Swim Race, nakatakdang idaos sa Marso 2026

ISLAND NG BORACAY, Malay, Aklan — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng Lalawigan …

PFF FIFA Futsal

PFF pinuri mga ‘unsung heroes’ sa likod ng tagumpay ng Futsal Women’s World Cup

ANG pagho-host ng Pilipinas sa kauna-unahang FIFA Futsal Women’s World Cup ay nagpakita hindi lamang …

Pato Gregorio PSC PHILTA

Paris Olympic silver medalist Krevic, world No. 45 Maria nanguna sa maagang listahan ng mga kalahok sa PH Open

PANGUNGUNAHAN ng dating world No. 2 at Paris Olympic silver medalist na si Donna Krevic …