Sunday , December 22 2024

P13.75-M ‘illegal’ bonuses & benefits ipinasosoli ng COA sa ex-PCSO officials

MUKHANG may iisang kultura ang mga naitatalagang opisyal sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), inaangkin nilang sariling ‘kaharian’ ang buong ahensiya kaya ginagawa nila ang lahat ng gusto nila pabor sa mga kapakanan nila.

Gaya nga nitong P13.75 milyones na hindi naman awtorisadong ilaan sa benepisyo at bonuses pero pinilit ng mga dating opisyal ng PCSO na gamitin noong Setyembre 2010 hanggang Disyembre 2011.

Ayon sa Commission on Audit (COA), tinanggihan nila ang apela ni dating PCSO chair Margarita Juico at dating general manager Jose Ferdinand Rojas II na balewalain na lang ang anim na notice of dis­allowance noong 19 Enero 2013.

Ayon sa COA ang pagbibigay ng P11.8 milyones para sa allowances at incentives ay lumabag sa Executive Order Nos. 7 & 19, na nagsuspende sa benepisyo para sa board members ng government corporations.

Iginiit ng PCSO na ang nasabing benepisyo ay may presidential approval “purportedly under the continuing authority” na nasa January 13, 1998 letter ng dating pangulo na si Joseph Estrada.

Pero sinabi ng COA, ang sulat ni Estrada ay para lamang noong 1997 at 1998 at hindi sa mga susunod na taon.

Ang tanong ngayon, paano isosoli ng mga da­ting opisyal ng PCSO ang nasabing halaga?!

Wattafak!

Parang sariling kompanya nila ang pinatatakbo nila kung manalbos ng kuwarta.

‘Yan ba ang dahilan kung bakit pinagkakaguluhan ang PCSO at pinag-aagawan ang puwesto riyan?!

Ex-chair Margie Juico and ex-GM Joy Roxas, ipinasosoli ng COA ang sapilitang pangungupit ‘este paglalaan ninyo ng bonus at iba pang incentives para sa mga sarili ninyo.

Tama ba ang ginawa ninyo?! Inuna ninyo ang kapakanan ng mga bulsa ninyo?!

Sonabagan!

Incentives and bonuses lang ‘yan. E paano kaya kapag na-audit pa ng COA iyong daan-daang milyones na advertising contracts na ibinigay ninyo sa mga ‘kasapakat’ ‘este paborito ninyong ad agency?!

Arayku!

Mas maigi pa kung isoli na ninyo ‘yang hindi awtorisado at sapilitang bonus at incentives nang hindi kayo masampahan ng kaso.

Ang problema, mukhang nasa ‘septic tank’ na ‘yang mga ibinulsa ninyong pondo ng PCSO?!

May maisoli pa kaya kayo ex-chair Marge Juico at ex-GM Joy Roxas?!

Pakisagot na nga po!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *